CHAPTER 64

1.2K 87 19
                                    

Pillow POV...

Kanina ko pa siya hinihintay, pero wala paring Akeshang dumarating.

Nabubwisit narin ako dahil dumarami na ang mga tao sa food park na to.

Alam ko naman na marami talagang pumupunta sa isang food park, pero halos lahat ng nandito ay lalake at kung makatingin sakin ay para akong sinisilaban ng buhay.

I'm starting to freak out, dahil nakita ko ang ilan sakanila na papalapit na sa kinauupuan ko.

May security guard ba sila dito? I don't feel safe anymore.

"Tsk. Halika na." Wika ng isang babae at walang sabi sabing bigla nalang akong hinila paalis.

Dala narin ng kaba sa dibdib ko ay kahit diko siya nakilala ay nagpahila nalang ako sakanya.

"Bakit mo ba ko gustong makita?" Nawala ang kaba sa puso ko ng makalayo na kami at makilala ko kung sino ang babaeng humila sakin kanina.

"Hey kinakausap kita." Di ako sumagot bagkus ay nakatingin lang ako sa mukha niya.

Natatakpan ang kanang mukha niya ng buhok at ang kaliwa naman ay nakaipit kaya kita ko parin ang kalahati ng mukha niya.

Ang laki ng resemblance nilang dalawa ni Zi, pero dahil diko makita ang buong mukha niya ay diko masabing siya talaga si Zi.

Pero that day, na makita ko siya sa bar. Ang lakas ng pakiramdam ko na siya talaga si Zi, but after Autumn told me that she's not Zi, I don't know, but I suddenly felt disappointed.

Diko napigilan ang mga kamay ko. Walang ano ano'y hinawi ko ang buhok niya sa kanan laking gulat ko dahil may malaki siyang peklat don.

Agad kong binitawan ang buhok niya. "Sorry, I didn't mean to do it."

Hindi siya nagsalita pero alam kong seryoso siya.

"Umuwi kana kung ayaw mong balikan ka ng mga yon," she said at bigla nalang akong tinalikuran.

Galit ba siya?

Kaya ba tinatakpan niya ang kalahati ng mukha niya dahil ganon ang itsura?

Hindi nga siya kahawig ni Zi sa pagkakataong yon dahil halos mapunit ang balat niya sa noo pababa sa may bandang pisngi. Medyo mahaba ang peklat, kaya medyo nawala ang pagkakaresemblance nilang dalawa. At parang hindi lang ito basta peklat dahil parang mula sa sunog ang naiwang bakas.

Saan galing ang peklat niya?

Nang makita kong medyo nakakalayo na siya ay mabilis akong humabol.

"Wait! Agh. Takong ko." Inis kong daing ng pumasok sa drainage ang takong ko. Naalis ang paa ko sa pagkakasuot, non kaya nakatapak nalang ako ngayon sa kalsada.

Pinilit kong hinihila para maalis, pero masyado ng bumaon sa bakal na may butas.

Bwisit paborito ko pa naman ang isang to.

"Ugh! Magpahila kana please!" Inis na sigaw ko habang paulit ulit na hinihila ito. Baka sakaling maalis ko pa.

"Tsk." Napatingala ako at doon ay nakita ko siyang nakatingin sakin.

Yung tingin niya ngayon ay para bang jinajudge niya ako.

"Tumayo ka diyan." Utos niya, kaya tumabi nako.

Pinagmamasdan ko lang siya habang hinuhugot ng paulit ulit ang takong ko.

"T-thanks." Nahihiya kong pasasalamat ng mahugot niya na ang takong ko.

Tumango lang siya at naglakad nanaman palayo. This time, ay nag-ingat nako sa paghabol sakanya. Baka pumasok nanaman ang takong ko at dina niya hugutin pa.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon