Chapter 18

1.4K 60 6
                                    

A/N: I guess I would just admire you from a far, no rejection, no heartache,  kilig lang kahit dimo alam na ikaw ang dahilan🙊🙈

Miss A cutieee pahinging konting pagtingin~
Anyway haha.
Gusto niyo nabang maging girl si Eli? Or lalake parin? Papasukin kona si Iziah soon!!! Kapit may rebelasyong sasabog.
Kumapit nalang kayo sakin wag na sa maling tao, kay? 😆

Eli/Iziah POV

Simula kahapon iniiwas kong magsalubong ang mga landas naming lima, siguradong kakalbuhin ako ng mga babaeng yon kapag nakita nila ako at ayokong makalbo na parang si padre salvi. Tinubuan ng buwan sa bunbunan.

"Hoy!"

"Ay puta*na mo!" Nakacross arm ang mga kamay ni ruffa habang nakataas ang kilay sakin.

"Ganyan kaba magpasalamat sa taong magpapautang sayo." Ang aga aga pinapamukha niya na agad na hampaslupa ako.

Hinila ko ang braso niya dahilan para mapasubsob siya sakin.

"Putek ka De castro!"

"Ssshhh!" Pagpapatahimik ko dito.

Paparating ang apat. Halatang masama ang timpla at alam kong ako ang dahilan non.

"Kaya naman pala. Bakit hindi mo nalang kaya sila kausapin at sabihin sakanila na mali ang iniisip nila." Mahinang bulong nito. Nandito kami sa tabi ng basurahan. Oo sa basurahan talaga. Wala nakong ibang pagtataguan dahil nasa may open field kami.

"Nakita mo naman ang mga itchura nila diba." Usal ko at pasimpleng tumingin sa kanila. Naglalakad silang apat ng magkakasabay. Ang sexy nga nilang tignan dahil parang nirehears pa nila ang paghakbang ng mga paa nila pati kasi yon magkakasabay talaga.

"Kapag nakita nila ako siguradong papatayin nila ako ng walang sabi sabi." Hinapit ko si ruffa ng makitang nakatingin sa may kinaroroonan namin si Autumn. Sh-t! Nakita niya ba kami?

Bahagya akong sumilip. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi kona sila makita.

"Gosh kakaligo ko lang amoy imburnal nako!" Ang sama ng tingin nito sakin.

Kasalanan niya naman yan. Siya itong bigla bigla nalang sumusulpot tapos gugulatin pako namura ko tuloy sya.

Lumakad ito palayo kaya mabilis ko siyang sinundan. Hindi ko pa nakukuha ang pera kaya kailangan ko siyang sundan kahit saan. Kailangan ko yon para maipareserve na ang skyward. Wala akong panghulog dahil down na down ako today. Hampaslupa na nga yata talaga ako.

Nakarating kami sa music room kung saan may isang babae na tumutugtog ng piano. Napakunot ang noo ko ng makita ko kung paano titigan ni ruffa ang babae. Is she into girls? Since when? Akala ko mahal niya si jaycee?

Nagpalakpakan ang mga taong nanonood at isa narin ako don. Biglang nagtago si ruffa sa may makapal na kurtina ng mapagawi ang tingin samin ng babae. Nagkatitigan kami at kitang kita ko ang lungkot sa mata niya. Kakaibang lungkot na ngayon ko lang nakita.

Naunang lumabas si ruffa sa music room kaya para nanaman akong aso na sumusunod sakanya. Sumabay ako ng lakad sakanya. Napansin ko na sobrang tahimik niya simula ng lumabas kami ng music room. May gusto ba siya don sa babae kanina?

"Bet mo ba yung babae kanina?" Napatigil ito sa paghakbang at tinitigan ako na para bang sinasabing. 'Baliw kaba'

"Sa mga tingin mo kanina alam kong may iba. Nagawa mo pa ngang magtago nung papatingin na siya satin. Tell me honestly ruffa. May gusto kaba sa babaeng yon?" Bumaba ang tindig ng balikat nito at napabuga ng malalim na hininga.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon