Chapter 8

1.9K 90 1
                                    


A/N: Another happy day na sana ulit ang buong araw ko kaya lang may nagpaalala nanaman sakin ng past. Haha okay naman nako kung susumain pero may time parin pala na ibabalik ka ng sarili mong isip kung kailan dika okay.
She's a lesson. Lesson na sobra kong pinag-aralan para maovercome. Grabe naman isang flashback lang nilaro nanaman ako ng emosyon ko, but I'm fine naman na. Masaya nako ngayon para sakanya at sa sarili ko.
Mananatili siyang lesson hanggang sa katapusan ng yugto ng buhay ko. SKL😆
Salamat sa pagbabasa. Comment ka kung nagustuhan mo yung POV ni Pillow haha.

Enjoy!
See you tom sa next UD!!

Pillow Dev

Isang linggo simula ng makilala ko si Eli. Pagkatapos ng pagkikita naming yon ay hindi na naulit pa. Nawala sa isip ko na kunin ang number niya kaya hindi ko alam kung paano ko siya ngayon kakausapin.

Unang kita ko palang sakanya sa bar ay nakuha na niya agad ang atensyon ko. Matangkad, malaki ang matawan, maganda ang hubog ng mukha at higit salahat malinis tignan.

Marami ring mga lalake ang dumating ng araw nayon. Sakanya lang nabaling ang buong atensyon ko kaya pinlano kong akitin siya pero hindi ako nagtagumpay dahil siya pa mismo ang nagtulak sakin palayo, kung ibang lalake yon siguradong wala pang ilang segundo ay bumigay na.

May kakaiba sakanya. Yun ang una kong naramdaman ng makalapit ako sakanya. Hindi ako sigurado kung ano pero malakas ang kutob kong iba siya sa mga lalakeng nakilala ko.

Hindi ko inasahan na sakabila ng pagtulak niya sakin palayo ay magkikita kami ulit. Iniligtas niya ako ng gabing yon kaya nauwi kami sa mainit na pagtatagpo.

Isang pagtatagpo na kahit kailan hindi ko makakalimutan. Kaya nga heto ako sinusuyod ang buong socmed para lang mahanap siya.


"Kaasar. May socmed ba ang lalakeng yon?bakit wala akong makita ni isang  mukha niya sa socmed." Naihagis ko nalang ang ipod ko sa sobrang inis.

Ang tanga ko naman kasi hindi ko kinuha ang contact no. niya para tuloy akong stalker kakahanap sakanya.

Nagring ang phone ko kaya agad ko itong sinagot.


"Hello?"

"Ma'am andito po yung lalakeng pinapahanap niyo sakin."

Mabilis akong napabalikwas ng higa.

"Saan? Give me the address"

"Sa bar po na madalas niyong pinupuntahan."

"Okay I'll be there. Wag na wag mo siyang paaalisin ng bar kahit anong mangyari. aliwanag ba?"

"Masusunod po ma'am."

Mabilis kong pinatay ang tawag. Dumiretso ako sa banyo para maligo. Nag-ayos ako ng todo bago tuluyang dumiretso ng bar.

Nagawa kong kumuha ng private investigator para lang ipahanap siya. Pati mga taong magbabantay sa lugar kung saan kami unang nagkita ay nagawa ko narin.
Lahat ng to ginawa ko para lang magkausap ulit kami.
Gusto kong linawin ang nangyari samin. Gusto kong tuldukan ang bagay na dapat ginawa ko noon bago ko siya paalisin.

Mabilis man kung titignan pero hindi ko hahayaang mabalewala ang lahat. Kailangan niyang panindigan ang nangyari samin. Siya ang nakauna sakin kaya dapat lang naman sigurong panindigan niya ang ginawa niya.


POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon