CHAPTER 52

860 70 9
                                    

Iziah POV...

Pagkatapos naming maidala si inang sa ospital ay dumiretso naman kami sa munisipyo. We bring inang's document para sa pagpaparehistro niya ng senior citizen.

I discovered that if you have a senior citizen ID or card, you will be given a 20% discount on any product or service that you purchase.

Pumunta narin kami sa mga politiko para humingi ng tulong at dahil nga medyo kulang pa ang documents namin ay hindi pa nila kami inasikaso. That's why we both agree to find a job first.

"Alam mo naman ang daan pauwi diba?" I asked.

"Oo alam ko na yun. Basta magbalitaan nalang tayo mamaya ha." Paalala niya.

"Oo, mag ingat ka." Paalala ko naman saknaya.

"Oo, ikaw din." Tuluyan nakaming naghiwalay ng landas.

Sinuyod ko ang buong lugar na dinadaanan ko. I even asked the guards in the building, May bakanteng trabaho kahit janitor lang, pero wala paraw silang opening ngayon.

I was about to exit the entrance door when suddenly I bumped into someone.

It wasn't my fault! Palakad palang talaga ako, pero bigla niya nalang akong binanga.

"Look what you've done to my clothes!" Galit na sigaw nito. Hindi ko siya matignan ng diretso, kaya nanatili lamang akong nakayuko.

I have no money to pay for her clothes, kaya ang tanging magagawa ko lang ay magpakumbaba at humingi ng tawad.

"Sorry po ma'am, hindi ko po kayo napansin. Pasensiya na po talaga." Pahingi ko ng paumanhin habang paulit ulit na nagbobow.

"Ugh! Stupid! Next time look at your surroundings ng hindi kung sino sino ang nababangga mo!"

"Kayo nga itong di tumitingin sa nilalakaran."

"Anong sabi mo?!"

"Ha? Wala po ma'am. Wala naman po akong sinasabi diba kuya guard." Kalabit ko pa sa guard. Buong puso ko siyang tinignan na please umoo ka.

"A-ah, y-yes po ma'am, wala po siyang sinabi."

Hay, thank you, Kuya Guard!

"Tsk! Diyan na nga kayo! Mga bwisit!" Nakahinga ako ng maluwag ng hindi ipabayad sakin ni madam ang damit niya.

Wala panga akong trabaho magkakautang pako.

"Is Savannah inside already?" Nagulat ako at hindi makagalaw.

So that was Savannah? I didn't recognize her voice, not even her attitude. Mas naging bitch yata siya ngayon.

So sino naman tong nasa harapan namin ngayon?

Nakalikod nakasi ako. Malapit na nga ako sa exit kaya lang itong glassdoor naman na pagkalaki laki nakaharang sakin.

"Yes ma'am Autumn, nasa loob napo si ma'am Sav."

"Okay thanks." Sige na umalis kana utang na loob.

"Anyway, can you tell HR that I need to find a new designer? I really need a helping hand to make the last set of my collection. And please tell them to be quick, because I really need to finish my design as soon as possible." 

"Yes, ma'am, copy." Nang marinig ko, ang papalayong yabag ng takong ay doon nako nakahinga ng maluwag.

"Uyy ineng magaling kaba mag drawing?" Tanong ni manong guard.

"Uhm...siguro po." Sagot ko naman. 

"Narinig mo naman siguro ang sinabi ni madam diba? May bakante na kaya bakit dimo itry magapply." Napakamot naman ako sa pisngi ko. 

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon