CHAPTER 53

816 63 9
                                    

SAVANNAH POV...

Ilang taon naba ang nakalipas simula ng mangyari ang insidente. 4-5 years? pero pakiramdam ko kahapon lang nangyari ang lahat ng yon.

Ang tanga tanga ko lang dahil nagpadala ako sa galit ko.

Napaka bobo ko in a way na pinabayaan ko ang taong mahal ko na maghirap ng mag-isa.

At ng tuluyan siyang mawala doon ko palang napagtanto kung gaano siya kahalaga.

"Ang tagal narin pala simula ng mawala ka...kung maibabalik ko lang sana ang mga nagawa ko noon..baka sakaling kasama pakita..baka sakaling  buo ang pamilya natin."

Hinaplos ko ang picture namin ni Zi kasama ang anak namin. Nang may kumatok sa pinto ay ibinaba ko na ang frame sa may gilid ng lamesa ko.

"Ma'am andito po si Miss Autumn."

"Papasukin mo." Agad naman itong tumalima.

Pumasok si Autumn sa opisina ko at agad na umupo. May dala siyang bag na diko naman alam ano nanaman ang lamat. Last time ay mga dresses ang dala niya. Gusto niyang dagdagan ang mga minomodel naming mga damit.

Ang gusto niya ay from babies ay magkaron narin kami for teens dahil mas demand daw ang damit ng mga teenagers dahil sila ang mahilig sa aesthetic.

"What is it this time autumn?"

"Easy sav. Just stay right there and I'll show you my newest creation." Napacross arm naman ako habang nakasandal sa swivel chair ko.

Parati naman siyang may bago. Haay.

"What do you think? Maganda diba?" Proud na proud nitong sabi pagkatapos ipakita ang lahat ng designs niya.

Actually her designs are fantastic kaya lang malaking adjustment ang gagawin ko kapag nagdagdag nga kami ng mga imomodel.

"Sige na Sav pumayag kana please! Mas lalaki naman ang benta natin kapag nailabas na natin to." Pangungumbinsi niya.

"I know, pero hindi lang naman benta ang concern ko." Hindi ganon kadaling maglabas ng bagong designs.

Unang una kailangan namin ng man power sa paggawa ng mga products at sa estado ng mga empleyado namin ngayon ay baka hindi na nila magawa pa ang mga dapat nilang gawin. Kailangan din naming maghanap ng mga teenagers na model para sa photoshoot, kailangan din ng mga organizer kapag ilulunch na. Kaya hindi ganon kadaling maglabas ng bagong damit sa market.

"Kung man power lang naman ang problema ay maghihire ako ng maraming tao. I can also ask Pillow and Light for their help." Umiling ako.

"Masyado ring abala ang dalawang yon sa kanya-kanya nilang buhay. Pero sige, pag-iisipan ko."

"YES! Thank you Sav! You're the best!" Nilapitan pa talaga ako nito para yakapin.

"Anyways na meet ko na ang isa sa bago nating designer and I've seen her sketches too, maging si Estrella ay napabilib niya sa mga drawing niya. Tingin ko mas malaki ang potensiyal ng kumpanya natin na lumago pa."

"New designer? Akala ko ba naghahanap palang kayo?" Noong nakaraang araw lang yon pero nakahanap na agad sila.

"Nope, nakausap na ni Estrella ang bagong designer natin kahapon at bukas na bukas din ay pwde na siyang mag-umpisa."

"Nakita mo naba siya?" Kahit na sinong bagong pasok sa kumpanya ay pinag-uusapan namin.

Mahalaga kasi ang bawat empleyado namin dahil sila ang dahilan kung bakit kami ngayon nandito.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon