CHAPTER 65

1.2K 87 12
                                    

IZIAH POV...

Kasalukuyan ko ngayong sinasalubong ang galit ng bagyong nag ngangalang Savannah.

Andito ako sa opisina niya. Bigla niya nalang, kasi akong ipinatawag na diko naman alam ang dahilan. Nalaman ko nalang ng magsimula na siyang magsisigaw.

"Gosh! Bakit ba kasi hinayaan ko pang ikaw ang makasama ni Autumn sa pag-aayos ng venue!"

We are getting ready to the run away.

Ako at si Autumn ang nag-aasikaso ng lahat. Diko rin naman expect na ako ang makakatulong niya dahil nagulat nalang ako ng ipatawag ako at sabihing ako raw ang makakatuwang ni Autumn sa paghahanda ng lahat.

Kasalanan ko pa kung ako ang inasign nila na makatuwang niya. Hindi ko naman nga ginusto na ako ang piliin ni Autumn na makatulong niya sa lahat. Tsk tsk.

Pero ano ba kasi ang problema no bagyong Savannah? Ganito lang naman yon.

Pinapahanap nila ako ng mga models para irampa ang mga designs, kaya lang ng makausap ko ang isa sa sikat na artista na sana ay mag susuot ng mga damit namin ay bigla naman itong nagsabi na hindi na siya tutuloy dahil may mahalaga siyang event na kailangang puntahan.

Ilang beses siyang humingi ng sorry at ang sabi niya pa ay siya daw ang dapat sisihin don, kaya willing siyang bayaran ang danyos.

Pagkatapos non ay ganito na nga ang nangyari, kung kailan malapit na ang event ay doon pa kami ngayon nangangarag sa paghahanap ng model.

Malay ko bang ganito ang kahahantungan ng lahat.

"Sorry, I'm late! Hinatid ko pa kasi si Kally sa school." Humahangos na sulpot ni Autumn.

Medyo nakahinga ako ng maluwag, pakiramdam ko nagkaron ng available evacuation center na maaring magsalba sakin sa bagyo.

Umupo si Autumn sa tabi ko at takang tumingin. Napansin niya sigurong nakasalubong nanaman ang kilay ng kaibigan niya.

Nagkibit balikat ako.

Malay ko ba sakanya. Ayoko na siyang kausapin pa at baka lalu lang siyang mag-alburuto kapag sumagot ako.

Isa pa ngalang ang anak namin, pero parang menopause na agad siya. Paano pako makakaisa--ERASE!

"Ngayon sabihin mo sakin saan tayo hahanap ng model?! Sa susunod na araw na ang run away!" Napatalon ako ng konti sa kinauupuan ko ng ibagsak niya ang tasang hawak niya sa mesa.

Goodness mabuti nalang at ubos na ang kape don.

Tumayo si Autumn at nilapitan si Sav.

"Napakainit naman ng ulo mo Sav" hinawakan niya ito sa magkabilang braso at pinaupo sa swivel chair at bigla nalang minasahe ang balikat.

Paraan para mapakalma ang nagwawalang delubyo. Ngumiti sakin si Autumn at kumindat bago pinagpatuloy ang pagmamasahe kay Sav.

"Dimo naman kailangang magalit pagdating sa bagay nayan Sav. Para saan pa at may kaibigan tayo."

Wag naman sanang tumama ang nasa isip ko.

"Isang model lang naman ang kulang natin, kaya bakit mo ini-stress ang sarili mo ng ganyan."

Umalis siya sa pagkakasandal sa swivel chair, pero ibinalik naman siya agad ni autumn kaya wala na itong nagawa.

Gusto kong matawa dahil walang magawa si Sav kabag nagbabalak siyang kumawala sa ginagawa ni autumn.

"Hindi lang basta basta ang model na nawala satin autumn. Hindi lang basta basta damit ang isusuot niya dahil siya ang magrerepresent ng isa sa pinaka unique design natin. Siya ang pang finale kaya nasa kamay niya ang tagumpay ng designs natin."

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon