Chapter 28

1.3K 80 5
                                    

Iziah POV

Muntik ko ng maipasok ang cotton buds sa tenga ko ng pumasok si Ruffa sa kwarto at sumisigaw pa talaga.

Ang lakas pa naman ng boses ng babaita.

"Anong pakulo nanaman ba yan ruru." Para naman siyang nakakita ng multo.

Inapakan ko ang trashbin para umangat ang takip nito at itinapon don ang buds na ginamit ko.

Kakatapos ko lang maligo. Pinababa ko rin siya para kumuha ng makakain namin pero mukhang ibang agenda nanaman ang ginawa niya. Wala siyang dalawang kahit ano. Nagugutom na pa naman ako.

"Bessy! Yung mga babae mo nasa baba!" Malakas na yugyog niya sakin.

"Hayuf ka nahihilo ako sa ginagawa mo!" Binitawan niya ang balikat ko tapos bigla nalang naglakad patungo sa pinto.

Akala ko lalabas na ulit siya pero pagkatapos niyang sumilip ay isinara niya ulit yon.

Ano bang problema nito? Tyaka sinong babae nanaman ba ang tinutukoy niya? Wala naman akong ibang babae maliban sa apat na alam kong nasa kanya kanya na nilang tirahan.

"Tumabi ka nga diyan para kang timang." Hinila ko ang likod ng damit nito at binuksan ang pinto.

Tinamad sigurong bumaba kaya kung ano anong palusot nanaman ang iniimbento.

"Manang ano pong miryenda natin..." Humina ng humina ang boses ko. Gulat ako ng makita ko ang apat na nakaupo sa may sofa namin. Muntik pakong mamali ng hakbang pababa mabuti nalang at napahawak ako sa pangsupporta ng hagdan namin.

Totoo ngang andito sila...pero bakit?

Nagkatitigan kami ni Savannah, ako na ang umiwas ng tingin dahil naiilang ako sa mga titig niya.

Iniwan ko siya sa banyo pagkatapos niyang magconfess sakin.

Hindi nako nakapag-isip pa ng maayos, ang goal ko lang ng mga sandaling yon ay mahanap ang phone na magiging pruweba ko para mapatunayan ko na ako at si Eli ay iisa.

"Mabuti nalang at bumaba kana ija. Nasa kusina na ang paburito mong puto flan dinagdagan ko narin yon dahil baka mag-agawan pa kayo ni ruffa." Kumalembang ang kampana sa utak ko ng malaman kong inihanda pala ni manang ang paborito kong pagkain.

"Sige po manang thank you po!" Masigla kong turan at dumiretso na ng kusina.

Galit galit muna tayo mga mahal kakain lang muna ako at nagugutom na ang mga alaga ko sa tyan.

"Ang siba mo talaga hindi mo manlang ako tinawag." Nakalabing bungad ni ruru ng makapasok siya sa kusina.

Umupo siya sa tabi kong upuan at kumuha ng puto flan. Hindi manlang naghugas ng kamay bago kumain.

"Nakita mo ba yung apat kanina?" Bastos din talaga neto, may pagkain sa bibig salit ng salita.

Lumunok muna ako bago tuluyang sumagot dito.

"Nakita ko." Tipid kong usal bago muling sumubo ng puto flan.

The best! Ang puto flan ni manang ang pinakamasarap salahat ng flan sa pinas.

"Ganon nalang yon? Hindi mo manlang ba sila kakausapin? Dimo ipagtatapat na ikaw si Eli." Pinukulan ko ito ng nagpapatawa kaba look.

Kanina lang halos ayaw niyang aminin ko ang lahat sakanila tapos ngayon parang tinutulak pa niya akong umamin.

Aamin naman ako pero mamaya na gutom ako kaya kakain munako. Makakapaghintay naman sila, kung hindi edi uwi.

"Pwde bang pakainin mo muna ko? g na g tsk."

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon