Chapter 9

1.8K 90 1
                                    

A/N:Good Morning!
Balik tayo kay Eli.
Wag kayong magagalit sakanya confused pa siya kung tomboy ba siya o bakla haha.
No UD po tayo kapag weekend. Ty

Enjoy!

Iziah/Eli POV

Ang sakit ng ulo ko sa mga nangyayari. Una si Autumn tapos si Pillow, ngayon naman itong si Savannah.

Ghad. Hindi ko pa nga alam kung paano ako babalik sa dating ako may problema nanaman akong kinakaharap ngayon.

Nag-kausap kami ni Autumn noong isang gabi, maging si Pillow ay nakausap ko narin at parehong hindi naging maganda ang lahat ng pinag-usapan namin.

Pareho lang ang katagang binitawan ko sakanila at pareho rin ang reaskyong nakuha ko mula sakanila.

Onti-onti kong inaalam kung ano ba talaga itong nararamdaman ko sakanilang dalawa dahil masyadong magulo para sakin ang lahat.

Masyadong buhol buhol parang itong buhok ko sa gitna. Yes. May pubic hair ang katawan ng lalakeng to. Myghad ni hindi manlang marunong magpawax bago makipagjugjugan sa kung sino sino!

Kagaya nga ng sinabi ko ay unti-unti kong inaalam kung ano naba talaga ang estado ko bilang isang lalake at babae.

Hanggang ngayon hindi parin ako sigurado sa tunay kong kasarian. Babae parin ako kahit nasa katawan ako ng mabalahibong lalakeng to kaya hindi ko masisisi ang sarili ko kung sinabi ko sakanila na kailangan ko munang ayusin ang sarili ko.

Naalala ko ang sinabi nila sakin noong sinabi ko yon sakanila.

"Bakit sasakyan kaba ha!"

"Anong tingin mo sa sarili mo sirang gulang na kailangang ipaayos para umikot ulit!"

Halos pareho lang pero magkaiba ang natanggap ko sa dalawa. Sinampal ako ni Autumn ng mag-asawa. Mala Maricel soriano sa palabas na Ang dalawang Misis Reyal tapos si Pillow naman tinapunan ako ng ice cream.

Hindi naman kasi yon ang ibig kong iparating! Hindi ko sila tatakbuhan kaya lang kailangan ko munang alamin ang lahat lahat sakin.

Tyaka paano nalang kapag bumalik ako sa dati kong anyo. Ano nalang ang mukhang ihaharap ko sakanila.
Pareho kaming mga babae kaya siguradong mas magkakagulo ang laaht.

Dalawang babae pa sila sa buhay ko. Dalawa ngalang ba? Agh! Isa pa nga pala itong si Savannah. Ilang araw na akong hindi pinapatahimik ng gaga.

Nagtapat siya sakin na gusto niya ako at ngayon nililigawan niya na ako. Ang husay talaga magbiro ng tadhana no? Imbis na dalawa lang ang poproblemahin ko dumagdag pa siya.

Urgh. Lalu ko lang kailangang ilayo ang sarili ko sakanila!

"Babe tanggapin mo naman na itong bulaklak ko para sayo oh." Here she comes.

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.

"Ilang beses nakitang pinaki-usapan Savannah---"

"Uhm..lima?" Nagpeace sign ito ng samaan ko ito ng tingin.

"Itigil muna ang ginagawa mo dahil wala akong maibabalik na pagmamahal sayo."

"Hindi ko naman sinabing ibalik mo agad kakabigay ko palang naman nitong bulaklak eh." Napakamot nalang ako sa kilay ko sa sobrang pagkafustrate.

Sakanya pa yata ako pinakamahihirapan.

"Sige na naman Eli tanggapin muna ang love ko sayo please." Nagawa pa nitong pagsaklubin ang mga palad niya.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon