CHAPTER 41

1.2K 69 3
                                    


SAVANNAH POV

Kanina ko pa napapansin ang pagiging tahimik ni Zi. Simula ng mangyari ang insidenteng yon ay parang madalas na siyang tahimik, hindi makausap ng maayos at madalas na natutulala.

Nasa coma parin ang babaeng nabangga niya at hanggang ngayon ay wala pa rin kaming impormasyon na makuha tungkol sakanya maliban nalang sa patay na ang pareho niyang magulang at wala na siyang katuwang sa buhay. Ang ipinagtataka kulang ay kung bakit walang impormasyon tungkol sa mga kamag-anak niya.

Possible ba yung wala kang kamag-anak ni isa? Impossible namang wala siyang mga pinsan, odikaya kapatid ang mga magulang niya maliban nalang kung only child lang ang mga magulang niya.

"Sav."

"Yes?" Napatingin ako kay Light na umiinom ngayon ng tubig. Nasa hapagkainan kami kumakain ng agahan.

"Kanina mo pa tinititigan yang pagkain mo ayaw mo ba ng ulam?" Caldereta ang ulam masarap din ang pagkakaluto hindi lang ako makakain ng maayos dahil maraming pumapasok sa isipan ko.

Napatingin ako sa gawi ni Zi na ngayon ay nakatingin pala sakin. Nginitian ko siya at nginitian niya naman ako ng tipid. Hindi na katulad dati ang mga ngiti niya, dati naman kahit may problema siya nagagawa niya paring ngumiti ng hanggang mata pero ngayon ibang iba na. Malakas ang pakiramdam ko na may nangyayari sakanya na hindi niya sinasabi samin.

"Hindi. Ang sarap nga eh." Sabay subo ko ng tuloy tuloy. Napailing nalang sila sakin habang ako naman ay tumawa nalang.

I need to know what's occupying her mind.

---

LIGHT POV

Ako ang nakatoka ngayon sa pagtulong kay Zi nasa banyo na siya at naliligo. Pupunta kami ng ospital para magpacheck up ilang lingo din kaming hindi nakaattend ng session dahil sa mga nangyari. Ang kaibigan niya ang magddrive para samin dahil hanggang ngayon ay hindi parin niya maigalaw ang kamay niya.

Bumukas ang pinto ng banyo hindi ko maiwasang mapakagat sa ilalim ng labi ko ng makita ko ang nakatapis niyang katawan. Litaw ang collarbone niya tumutulo rin ang tubig sa buhok niya pababa sa balikat. Kakain ko lang pero parang nagugutom nanaman ako. May kung ano akong nararamdaman sa tyan ko nag-iinit din ang buong mukha ko na alam kong pulang pula na ngayon.

"Yan ba ang damit ko?"

"Yes, here tulungan na kita." Mabilis kong kinuha ang mga damit niyang nakapatong sa kama. Nakatalikod siya sakin habang tinutulungan ko siya sa paghook ng bra niya.

Sh*t! Dumampi lang ng konti ang kamay ko sa likod niya ay para nakong napaso. I want her! But we can't dahil may naghihintay pa samin sa baba. Nakakainis lang dahil nagkataon pa na aalis kami kung kailan ako ang magbibihis sakanya.

"Bakit ka nakasimangot?" Lalung nalukot ang mukha ko ng makita ko ang katawan niya. May undergarments na siya mas maganda siguro kung wala. *lower lip bite*

*knock knock*

Kaasar panira ng moment.

"Hindi paba kayo tapos diyan?" Rinig kong boses ni Pillow sa kabila.

"Patapos na!" Inis kong itinaas ang pants ni Zi at binotones narin ito.

Kainis. Palagi nalang may istorbo kapag magkasama kami.

"Hey." Hablot nito sa kamay ko. Hawak ko ang tuwalya niya sa kabilang kamay ko dahil isasampay kona sana ito.

"Bakit lukot yang mukha mo?" Haplos niya sa mukha ko.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon