CHAPTER 62

996 85 12
                                    

AUTUMN POV...

Goodness kanina ko pa tinatawag si Pillow, pero para siyang lutang at dimanlang sumasagot sakit.

"Sino ba kasing tinitignan mo diyan?" Sinubukan kong sipatin ang direksyong tinitignan niya, pero likod lang naman ng babae ang nakita ko.

Bungol na ata ang kaibigan ko.

"I think I saw her."

"Saw, who?" Takang baling ko naman ng tanong.

"Z-zi"

Biglang tumibog ng todo ang puso ko. Nanigas don bigla ang katawan ko at di makapaniwalang bumaling ng tingin sakanya.

"Z-zi is dead. How could you see her?" Pero di siya sumagot bagkus nanatili parin siyang nakatingin sa iisang direction.

Bar counter.

"I am not sure of what I saw. Nakaside view siya, kaya diko makita ng maayos." Paliwanag niya

Baka namamalikmata lang siya. Sa dilim rin ng lugar sa bar ay possibleng namalikmata lang siya.

"It's her! Look!" Nilingon ko ang taong tinutukoy niya. Diko masyadong maaninag pero sapat lang para mamukhaan ko ang pigula nito.

Bigla nanamang kumabog ang puso ko. Hindi dahil sa tama siya kundi dahil sa kilala ko ang taong tinutukoy niya.

Hindi ako pwdeng magkamali.

"Pillow! Wait!"

Ghad. Ang babaeng yon. She's being reckless again.

Naabutan ko pa naman ito, pero huli na kasi niyakap niya na ang taong inakala niyang si Zi.

Halata naman ang gulat sa mukha niya. Maging ang kasamahan niya ay nagulat din sa ginawa ni Pillow.

"I know it was you. My heart tells me it was you, Z-Zi." Hindi nakasagot si Akesha bagkus ay binigyan lang ako nito ng may pagtatakang tingin.

Humingi nalang ako ng sorry sakanya at pilit na inilayo si Pillow. Pero ang babaita parang tuko kung kumapit.

----------------

IZIAH POV...

Habang nakaupo ako sa bar counter at nakikipag-usap kay agata ay bigla nalang akong sinabunutan ng kung sino dahilan para maalis ang ipit ko at lumugay ang mahaba kong buhok.

"Jasmine! My ghad bitawan mo ang buhok niya." Rinig kong awat ng babae sa tinawag niyang Jasmine.

Hawak ko ang buhok ko habang binabawi ito sakanya. Ang sakit ah.

Nang mabitawan na nito ang kamay ko ay paulit-ulit na humingi ng sorry sakin ang kasamahan niya. Kamukha koraw kasi ang ex ng kaibigan niya kaya akala niya ako yun.

Galit na galit daw siya dito. Halata naman muntik nakong kalbuhin eh.

"Akalain mo nga naman lapitin kapala ng babae, hahaha." Sinamaan ko ng tingin si Agatha.

"Ayaw mo talagang umupo? Nagpapatangkad ka no." Pagttease ko sakanya. Mas matangkad kasi talaga ako sakanya, kaya kapag nag-aasaran kami minsan ay yun ang ipinupukol ko sakanya.

"Alam mo sana kinalbo kanalang nung babae kanina para naman matawag na kitang panot hahaha."

"In your dreams."

Dumating na ang pagkaing inorder ko. Nakakailang subo palang ako ng bigla nalang may yumakap sakin.

Nang marinig ko ang boses nito ay talagang nagulantang ang buong systema ko.

Ngunit imbis na magulat ay mabilis kong binago ang expression ko dahil nakita kong andun din si Autumn.

Nagtataka akong tumingin sakanya kunwari'y di kilala ang taong yumakap sakin. Nakita ko naman kung paano siya humingi ng sorry at pilit inalis ang pagkakayakap ng kaibigan niya sakin.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon