Chapter 47: Katsumi

1.1K 42 2
                                    

Katsumi's Point Of View

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Katsumi's Point Of View

Sabado ng umaga. Naging back to normal na rin ang buhay ko. Simula kasi nung pinagbantaan ni Zedrick yung mga reporters na yun, hindi na nila ako sinusundan. Tsk! Iba talaga ang epekto ng lalaking 'yun.

Isang linggo na rin magmula nang nakita ko si Zed na kasama yung chinitang hilaw na model. Hindi na naman siya nagpapakita sa akin at absent din siya sa school.

Wala akong balak alamin kung nasaan na siya ngayon. Siguro busy lang siya kasi nga, model yung boyfriend ko.

Syempre, mag-on parin kami. Wala naman siyang sinabing wala na kami eh.  Tsaka malay ko, baka pagselosan ko na naman ang closeness nila katulad nung kay Lorene na pinsan lang pala niya, diba? Sabi nga nila, never assume unless directly stated.

Tsaka isa pa, kasama niya yung model na yun kasi katrabaho lang naman siya. Oo tama. It's just for the sake of work.  Wala naman ata silang something at alam kong hindi naman manloloko si Zed... well, siguro.

Hindi ko parin nakakausap si kuya Dexter. Bahala na nga. Siguro naghihintay lang siya ng tiempo para kausapin ako or baka hindi pa niya naaayos yung kwarto niya? Maghihintay na lang din ako ng cue galing sa kanya.

Alam ko naman na nasa stage of  denial pa siya. Marami pa siyang stages na dapat pagdaanan sa pag mo-move on niya, anger, bargaining, depression hanggang sa acceptance stage-which is the hardest part of moving on. Sa pagtanggap sa sarili niya na wala naman talagang sila at kailangan niyang mag let go at humanap ng iba.

I know, based from my experience that moving on is a process. Pero malay natin, nasa tabi tabi lang pala niya yung 'The One'

Sa tingin ko, hindi naman yun mahirap na maghanap ng bagong lovelife niya kasi balita ko, isa ang kuya ko sa mga Maxwell Boys na habulin ng babae.

Syempre naman 'noh, kapatid ko kaya si kuya! Pang Mt. Olympus din ang kagwapuhan niya. And If I know, marami pa diyan na may crush sa kanya. Dapat pumili lang siya ng babaeng kayang suklian yung feelings niya at hindi yung isang taon siyang aasa sa wala. No offense sa kapatid ni Earl.

Medyo nabawasan na pala yung mga nagchichismisan tungkol sa akin kahit saan man ako magpunta. Sa school, sa mall, or sa kahit na saang public places. Hindi na rin ako pinapakialaman nung mga cheerleaders. Siguro napagsabihan na rin kasi sila ni Louie. Kasi diba, respected nila si Louie as a legendary athlete kuno.

Speaking of Louie, naalala ko tuloy yung nagpag usapan namin last last week. Ano kayang ibig niyang sabihin?

"I don't want to see you sad again Zandy. Meet me on saturday. Four PM sharp. Sa harap ng school forum."

Napatingin ako sa relo ko. 9:00 a.m. pa lang naman. Nandito ako ngayon sa coffee shop kung saan huli kaming nag-usap ni bestfriend. Gusto niya raw kasi akong makausap ulit.

Walang ano ano, nakapwesto na siya sa harap ko na may isang slice ng red velvet cake at isang slice ng cheese cake. Umupo siya sa harap ko at hinintay na mailagay nung kasunod niyang waiter yung strawberry frappe naming dalawa.

"Si Maxene pala nasaan?"

Nag smile si Earl at uminom sa frappe niya. Sus! Ang lakas na ng tama ni Earl kay Maxene ah. Parang kailan lang yun, parang aso't pusa pa silang dalawa dati eh.

"Inaasekaso yung mga artworks na ginawa namin para sa Art Exhibit ng school sa darating na foundation anniversary"

Ay oo nga pala! May upcoming art exhibit yung sketch club ni Earl and I'm so happy na sa drawing at painting yung parehong forte nilang dalawa. Parang... parang bagay na bagay talaga silang dalawa?

Si Earl kasi president ng sketch club at editorial cartoonist ng school paper.

Syempre, nakakaproud din kay Maxene. Dati kasi nung gradeschool kami, kuko lang ang kaya niyang pintahan tapos ngayon, muralist na siya ng campus. Oh di ba? ang laki kaya ng improvement!

"Uy Caz, ngingiti ngiti ka diyan? Ngayon mo lang ba narealize na ang cute ko?"

"Di ah!"

"Weh? Wag mo ko. Nakangiti ka kaya sa harap ng mukha ko"

"Hindi. May naalala lang ako"

"Ibig sabihin dati mo pa pala narealize na cute ako?"

"Huwag ka nga diyan bestfriend. Hangin mo din minsan 'no?  Pero teka nga, bakit hindi mo sinamahan yung girlfriend mo na ayusin yung exhibit?"

"Nagpaalam naman ako kay Maxene na kakausapin kita. Eh kasi ganito yun..." tapos nag cool pose naman siya dahil inayos niya yung salamin niyang pang genius. Alam niyo yun? Parang si Shintarou sa Kuroko's Basketball na bago mag-shoot, nag-aayos muna ng salamin?

Huminga siya nang malalim at tumingin sa akin. "Sinagot na ni Ate Zeraine si kuya Neil kaya ayun... ahm... pano ko ba sasabihin?" Tiningnan ko lang siya. Alam ko naman na kasi ang sasabihin niya.

"Alam mo kasi Caz, Ang love parang lotto. Akala mo panalo ka na, pero yun pala, may kaagaw ka pa" dagdag pa niya.

"Hugot na naman? Seryoso Earl?"

Naghihintay pa siya ng ibang reaction ko pero syempre, I stayed calm. Napansin kong kumunot yung noo niya. Parang inaasahan niya ata na mabibigla ako pero dahil alam ko na yung nangyari, wala nang kaso sa akin yun.

"Bakit di ka nag react?"

"Anong gusto mong i-react ko? Love? Like? Haha, sad, or angry? Pili ka na lang"

"Caz naman eh!! Ginawa ba naman akong facebook status? Huwag mong sabihing..."

"Sorry naman! Oo alam ko na yun last week pa. Ba't ngayon mo lang sinabi sa akin? Hahaha. Ang late naman ng balita mo. Na traffic ba yan sa EDSA ng one week?"

"Grabe. Busy ako okay? busy!!" tapos nag pout siya.

"So yun lang pag uusapan natin dito?"

"Actually may sasabihin din kasi ako. Alam ko na kung sino yung nakapulot ng phone ni pinsan"

"Nag-ala detective Conan ka? Paano mo nalaman kung sino? Teka, sino ba?"

"Si...."

Bago pa man masabi ni Earl kung sino, biglang may tumabi sa akin na lalaking nakavarsity jacket.

"Alam ko na rin kung sino" tiningnan ko 'yung lalaking nagsalita.

"Louie?" paano siya nakarating dito?

Huminga siya ng malalim at tsaka nagsalita.

"Si---"

♡♡♡
Comment down for the next chapter⤵

Short Update muna.

Complicated Goddess [COMPLETED]Where stories live. Discover now