Chapter 18: Katsumi

2.9K 108 1
                                    

Katsumi's Point Of View

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Katsumi's Point Of View

Naghihintay ako ngayon kay Kuya Dexter sa parking lot. Walang ano-ano, nakita ko na kaagad yung green Lamborghini niya.

Kinawayan niya ako at agad naman akong pumasok sa kotse.

"Kumusta first day mo, Kat?"

"Hay naku kuya, nakakastress kaya!"

"Sino naman kasi ang hindi maiistress sa ganda mong 'yan. Ano, binastos ka ba dun? Uupakan ko bukas!"

"Sa kabutihang palad, wala naman."

Sobrang dami ng nangyari sa akin ngayong araw na 'to. Imagine that? Lahat nang yun, nangyari sa first day ko sa GRIWA.

Una, nagkaroon ako ng bestfriend. Ang bilis kaya nun, basta ko na lang siya naging bestfriend. Kumusta na kaya yung braso niya? Okay na kaya? Narinig niya pa tuloy yung usapan namin ni Louie.

Pangalawa, ang legendary Kyle Zedrick Lim na bihira lang daw lumabas sa lungga niya, man of few words daw tapos biglang nasigaw sa hallway. Bigla na lang din na naki-FC sa akin tapos naging fake boyfriend ko pa para paselosin si Louie.

Speaking of Louie, Hindi ko siya kinausap. Aaminin ko, kinabahan ako sa sinabi niyang 'Zandy we need to talk' niya pero hindi pa kasi talaga ako handa para dun kahit gustong gusto ko nang malaman yung nangyari.

Lastly, nag-offer sa akin ng deal yung sikat na singer na yun para itago yung lihim kong pag-iyak. Siya pa tuloy laging nakakakita ng weakness ko.

Ginulo ni kuya Dexter yung buhok ko at ngumiti.

"Kuya naman eh! Alam mo naman na ang ayoko sa lahat ay yung nagugulo yung buhok ko! Magdrive ka na nga lang dyan."

College na si kuya. Graduating na nga. Matanda siya sa akin ng 3 years pero kung umasta parang bata.

Nagdrive na lang rin siya pagkatapos nun.

"Ikaw kuya, kumusta ka dun na wala ako?"

"Heto, maraming naghahanap sayo kanina. Saakin ka pa talaga hinanap nila. Tss. Bakit ka raw kasi lumipat? Mga ganung tanong tapos may nagpapabigay ng chocolate sayo. Ayaw mo naman nun kaya kinain ko na lang"

"Kinain mo? Sinong nagsabi na ayaw ko ng chocolates, kuya?" Favorite ko kaya yun!

"Diba dati, kapag may nagbibigay sayo, di mo naman kinukuha? Kaya ako na lang kumakain?"

"Kinakain ko kaya... patago nga lang"

"Haha sabi na eh, bigla na lang nababawasan yung chocolate bars sa ref natin."

"Kuya bilisan mo na nga lang yung pagdrive para makauwi na tayo agad."

"Hmm Kat, about kay Louie..."

Oo. Alam ni Kuya yung nangyari. Legal din kami sa parents namin. Nalungkot nga si Kuya nung nalaman niya yun. Di siya makapaniwala na nagawa yun sa amin ni Louie.

Complicated Goddess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon