Chapter 48: Katsumi

1K 46 3
                                    

Katsumi's Point Of View

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Katsumi's Point Of View

Time check: 9:30 a.m.

Mukhang napaaga ata ang dating ni Louie ngayon ah? Sobrang advance naman ng relo niya. Grabe talaga! 6 hours and 30 minutes pa kaya bago mag 4 pm.

"Excuse us for a while" dali dali namang hinila ni Louie yung kamay ko palabas ng coffee shop. Ni hindi man lang niya tiningnan si Earl.

Psh! Sayang naman nung cake ko. Hindi ko pa nga natitikman. Ipabalot na lang sana yun ni Earl para kay Maxene.

Dire-diretso lang kaming naglalakad hanggang sa makarating kami sa...

Teka, familiar 'tong lugar na 'to ah!

Sa park kung nasaan ako nasaktan ng dahil sa kanya.

Bakit sa lahat ng lugar, dito niya ako dinala? 'Diba ang usapan namin, sa school forum? Hindi yata ako na-inform na nagbago yung location ng school forum ah.

"Louie teka nga lang..."

"Basta sumama ka na lang"

"Louie wait!!"

"Oh?" Humarap siya saakin. Nakulitan ata sa pagtawag ko sa kanya.

"Yung sandals ko ayun oh! Sabi ng teka lang eh!" Sabay turo ko sa naiwang pink sandals ko na na-experience na ring maiwan.

Agad ko naman yung isinuot at bumalik sa harapan niya. Napangiti na lang siya sa ginawa ko at ginulo yung buhok ko. "Ang cute mo talaga. Di ka parin nagbabago" Nagpatuloy siya sa paglalakad at sumunod naman ako habang nakatingin sa baba. Parang biglang naging awkward.

"May kailangan tayong pag-usapan Zandy" sabi niya at umupo sa isang bench. Tumabi na lang din ako sa kanya.

"Tungkol 'to kay Janine"

Yung kapatid ni Maxene?

"Bakit, anong meron?"

"Siya ang dahilan kung bakit kumalat yung pictures niyo ni Dylan sa Internet"

"Papaano mo naman nasabi yan Louie? Mabuting tao yung kapatid ni Maxene. Hindi... hindi niya magagawa yun!"

"Mahirap mang paniwalaan pero siya na mismo ang umamin sa akin. Alam na rin ni Earl at ni Maxene."

"Pero b-bakit niya yun ginawa? Akala ko ba okay na kami? bakit Louie?"

Hindi parin ako makapaniwala.

"Ganito kasi yun, matagal nang may gusto si Janine kay Kyle simula nung mag aral siya sa G.R.I.W.A. Naging kaibigan niya si Corinne dati dahil alam niya na ikaw ang girlfriend ko noon at gusto ni Corinne na bumalik ako sa kanya. Nakisama na rin si Maxene sa kapatid niya dahil nagka-utang siya kay Corinne kaya ayun nagkasama sama sila. Dumagdag lang si Lorene kasi nga dahil sa pinagtitripan siya dati ni Corinne at binalaan na kapag sumama siya sa kanila, hindi na niya ito guguluhin..."

Complicated Goddess [COMPLETED]Where stories live. Discover now