Chapter 15: Dylan

3K 129 6
                                    

Dylan Ezekiel's Point Of View

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Dylan Ezekiel's Point Of View

Siya yun. Siya ang babaeng nagustuhan ko sa una naming pagkikita. Coincidence lang ba talaga ang lahat ng ito o sadyang pinaglalaruan kami ng tadhana?

Flashback..

Katatapos lang nung mini concert ko sa may Infinity Plaza. Nagdesisyon akong maglakad lakad muna sandali bago umuwi sa bahay.

Nakarating ako sa isang butterfly garden at umupo sa may bench. Walang masyadong tao--ay meron pala. Mga naglalandiang couples. Tss. Kainis naman, kahit saang banda ka tumingin, meron. Edi, sana all.

Kapag tumingin ka sa kaliwa, nay naghahalikan. Kapag tumingin ka sa kanan, may nagyayakapan. Kapag tumingin ka sa likod, May nagsusubuan ng ice cream. Pero kapag tumingin ka sa akin, syempre makakakita ka ng isang gwapo. Walang biro.

Iginala ko pa ang mata ko at nagmasid sa paligid. Nakakayamot naman dito. Ako lang ata ang walang kasamang girlfriend. Makaalis na nga lang!

Naglakad na ako sa kanang direksiyon ko. Yung sa may nagyayakapan ba? Bahala sila. Dadaan lang naman ako eh.

Nabigla na lang ako dahil may narinig akong humihikbi na babae na tumatago sa may bushes at pilit tinitingnan yung nagyayakapan.

"Miss? Nanonood ka ba ng drama dyan?" hindi niya man lang ako tiningnan

"Shhhh may pinapa...kinggan a-ako huwag kang ma...ingay" bulong niya habang umiiyak at hinila ako sa tabi niya tapos tinakpan yung bibig ko. Hindi niya ba ako kilala?

Hindi pa rin niya inaalis yung mata niya roon.

Grabe naman 'tong babae na to. Maganda sana eh. As In, maganda talaga. Ang haba ng pilik mata, ang ganda ng mata, ang ganda ng buhok, kissable yung lips, may dimples, basta ang ganda niya.

Ilang galon kaya ng Gluta ininject niya dahil sa sobrang puti niya?

Maganda sana, ayun nga lang, bakit pa niya tinitingnan kung alam naman niyang iiyak siya?

Maliban na lang kung boyfrien--teka, Grabe namang boyfriend yun, two timer? Mabuti pa ako stick to one lang. Yun nga lang eh, Wala pala akong girlfriend. Pero pakiramdam ko naman na tama yung iniisip ko. Oo ganun ako kabilis mag pick up ng bagay bagay. Hindi ako LG, Apple ako.

Inalis niya na yung kamay niyang nakatakip sa bibig ko. Tiningnan ko siya nang mabuti. Tumutulo parin luha niya. Gago naman kasing lalaki na yun.

Teka ulit, kilala ko yan ah? Nakalaro ko siya dati ng football sa school ko noon.

Nanggigigil na 'tong katabi ko. Yung parang gusto niya nang kalbuhin yung mga damo. Eh pano, binunot niya na lahat ng damo sa palibot niya eh. Talo pa niya yung grass cutter, kambing, kalabaw, baka, kabayo o kahit na anong kumakain ng damo diyan. Pero kahit na ganun, grabe, ang cute niya lang na umiyak.

Complicated Goddess [COMPLETED]Where stories live. Discover now