Chapter 50: Katsumi

1.3K 46 5
                                    

Katsumi's Point Of View

Oops! Această imagine nu respectă Ghidul de Conținut. Pentru a continua publicarea, te rugăm să înlături imaginea sau să încarci o altă imagine.

Katsumi's Point Of View

"Bestfriend!!"

Napalingon ako sa boses na tumawag ng pangalan ko at nakita ko si Earl na tumatakbo papunta sa direksyon ko na may hawak na isang clearbook.

"Saan... ka ba.. galing? Kanina pa kaya kita.. hina..hinahanap!!" Sabi nito habang patuloy parin sa paghihingal. Halatang puro siya aral at hindi sanay mapagod.

Imposible naman ata na galing siya sa isang funrun. Sa pagkakaalam ko kasi, hindi naman hilig ni Earl ang pagtakbo takbo at mga gawain na karaniwang ginagawa ni Louie--ng mga athletes.

Ang tanging alam niya lang kasing gawin ay ang magpainting, magdraw at magsketch ng kung ano-ano, magbasa ng libro, magmemorize ng mga formula at syempre, ang humugot. Ayaw niya kasi na napapagod siya.

"Wala. Naglalakad lakad lang. Ang boring kasi. Wala naman akong nasamahan na organizational club dito kaya.. hay! Ang boring talaga. Ganda lang maiiambag ko sa foundation na 'to."

"Oh saan ba ang marathon?" biro ko pang tanong sa kanya.

Kinuha niya muna yung hawak hawak kong Mogu Mogu na kabibili ko pa lang sa cafeteria at ininom "Grabe ka, akin yan!!"

"Sorry ah? Napagod kasi talaga ako eh. Libre na lang kita ulit. Tara!"

"Eh hindi ko pa nga yan nababawasan eh!"

"Tara na" bago pa ako makapagsalita ulit, hinila niya na ako sa caf at ibinili na lang ulit ng lychee flavored na Mogu Mogu.

"Oh ayan. Wala na tayong problema ah?"

"Uy! Teka saan na naman ba tayo pupunta?"

"Basta!"

Hinayaan ko na lang siya na kaladkarin ako papunta sa library. Teka..

"Earl naman eh, foundation week natin. Huwag mo namang sabihin na mag-aaral tayo dito ngayon? That's a big no-no!!" reklamo ko sa kanya.

"Basta may ipapakita ako sayo." sabi niya at kinindatan niya ako. Waah! Ang cute talaga ng bestfriend ko. Ang sarap ibulsa!

Umupo kami sa pinakadulo ng library at ipinatong niya yung dala dalang clearbook sa table.

"Oh" tiningnan ko lang siya ng 'anong-gagawin-ko-dyan-look' pagkatapos niya sa aking ibigay yung clearbook na dala dala niya.

"Tititigan mo na lang ba yan? Buksan mo"

"Oo na, oo na!! Matigil ka lang diyan"

"Dali na nga!"

As what he said, binuksan ko naman. Nashock lang ako sa nakita ko.

"Kailan... 'to?"

Yung clearbook kasi. Compilation ng mukha ko at ng kung ano anong ginagawa ko. Yung iba, nung nasa Maxwell pa ako nag-aaral. Mga stolen yung iba, yung iba naman, nakangiti. Ang ganda... nung mga mukha ko, I mean, ng sketch ni Earl.

Complicated Goddess [COMPLETED]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum