Chapter 4: Earl

5K 178 29
                                    

Earl Joshua's Point Of View

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Earl Joshua's Point Of View

"Let's talk later"

Paano kung ayaw ko? Edi kausapin mo na lang sarili mo. Tsk.

Naaalibadbaran ako sa mukha nung babaeng yun. Oo, si Maxene Ocampo. Dikit ng dikit sakin na para bang mighty bond--- yung extra glue. Dikit na dikit talaga.

Siya rin ang dahilan kung bakit ako nagtransfer dito. Actually isa lang yun sa reasons ko. First, my Dad wants me to get closer to her. And why? Because she is my Fiancé. How ironic right? Uso pa pala 'yun sa panahon ngayon for the sake of investments.

I don't know how it happened, basta one day nangyari na lang yun bigla. Paggising ko, nandun na siya sa bahay namin at pinakilala as Fiancé ko.

Truthfully, maganda siya, mahaba ang buhok, sexy, matangkad, maputi. Magiging type ko nga sana siya kung hindi lang sa ugali niya. Nakakairita siya and I don't like that kind of attitude. Idagdag niyo pa na tamad siyang mag aral-- which is exactly the opposite of me. Puro pagpapaganda lang ang alam sa buhay.

Yung second and last reason ko naman is because of this girl named Katsumi Cazzandra Clarkson. Kahit hindi ko naman talaga nakita yung Id niya, kilala ko na talaga siya dati pa.

Hindi ako naging isa sa mga lalaki na umaaligid aligid sa kanya pero siya ang ultimate crush ko.

Paano ko ba siya nakilala? Well, let's say, na dati akong nag-aral sa Maxwell University at schoolmate niya ako. I always watch her from afar. Alam ko rin na ex boyfriend niya si Louie. At alam ko rin kung bakit siya napaiyak kanina. Eh sa sobrang daldal ng bunganga ni Maxene kaya nalalaman ko lahat about kay Caz.

"Caz, I have something to tell you"

"I like you" gustong gusto ko yung sabihin sa kanya. Magiging magaan kasi pakiramdam ko na masabi ko yun.

For two years, crush ko siya sa Maxwell at wala man lang akong courage para sabihin sa kanya yun plus, busy ako lagi sa acads and ibang academic at publication contests. Hindi rin niya alam na nag eexist pala ako. Sa tingin ko, ngayon na ang oras kasi napansin na rin niya ako sa wakas.

Biglang nag-ingay yung mga babae at nagtatakbo sa labas. Hindi tuloy naintindihan ni Caz yung sinabi ko. Ang malas naman.

Nagpaalam na siya sa akin. Mauna na raw ako sa classroom. I sighed then pumasok na rin. Maghahanap na lang ako ng ibang timing. Marami pang oras para sabihin ko yun sa kanya. Maghihintay ako.

Agad naman akong sinalubong ni Maxene pagpasok ko at bigla na lang kumapit sa braso ko. Feeler 'to masyado. Nakakainis. Marami na rin yung tao sa loob. Nakakahiya talaga. Transferee pa naman sana ako at gusto kong manahimik.

Complicated Goddess [COMPLETED]Where stories live. Discover now