Chapter 54: Dylan

1K 35 2
                                    

Dylan Ezekiel's Point Of View

May mga bagay talaga na kung hindi talaga para saatin, gagawa at gagawa ng paraan ang tadhana para mailayo kayo sa isa't isa.

Noong araw na iyon, pinuntahan ko siya sa bahay nila para ayain na sumama sa akin. Pero lumabas siya na may ibang intensiyon---kundi puntahan si Zed.

Hindi ko man lang alam na yun ang dahilan kung bakit excited siyang lumabas na nakangiti na kahit minsan ay hindi maikukumpara sa ngiti na kaya kong ibigay sa kanya. Dahil sa huli, iba parin ang mahal niya at matalik na kaibigan lang ang turing niya saakin.

Sinubukan kong ligawan siya araw araw simula noong malaman kong wala na sila pero ulit ulit lang ang sinasabi niya saakin.

"I tried to love you Dylan but I really can't"

"Then try harder Katsumi"

"I'm sorry Dylan. You deserve someone better"

Hindi ko matanggap na talo ako pagdating sa pag ibig. Talo ako ng bestfriend ko.

Napatingin ako sa labas ng bintana. Sandamakmak na babae ang naghihintay lagi sa baba ng Infinite Star Entertainment para mabigyan ako ng regalo at makita ako sa personal. Napaisip tuloy ako, bakit kung ikukumpara, parang wala lang ang lahat ng atensiyon na yun sa atensiyon na gusto kong makuha sa isa lang na babae?

Sobrang mapagbiro si tadhana. Kung sino ba naman kasi ang babaeng gusto ng bestfriend ko ay yun pa yung babaeng tanging siya lang ang kayang magpasaya sa akin?

"Sir Dylan, handa na po ang stage niyo"

Napatingin ako sa lalaking nasa pintuan. Isa siyang security guard. Teka, kilala ko siya ah!

"Ikaw nga yun!"  Yung demanding na magnanakaw na humihingi saakin dati ng charger!

"Ako nga. Huwag kang mag alala. Nagtatatrabaho na ako dito. Hindi kita nanakawan ng Iphone. May sahod na ako at may cellphone na rin. Mas mabuti nang may marangal na trabaho kesa maging snatcher ng cellphone na walang charger!"

Napatawa na lang kami. Buti pa siya umasenso na. Ako naman, kahit ilang ulit kong subukan na nakawin puso ni Katsumi, hindi ako magwawagi.

Tinanguan ko na lang siya at nag ready na papunta sa stage. Concert ko ngayon pero hindi ganun kasaya. Ito na kasi ang huling beses na magpeperform ako.

Sobrang nakakalungot lang. Nalulungkot ako para sa mga fans na nandito ngayong gabi. Fans na nakikisama sa kalungkutan ko. Ewan ko ba, parang final despidida ko ata ito eh. Magpapaalam na talaga yung feelings ko para kay Katsumi.

Nagmistulang karagatan ang ilaw na nagmumula sa lightsticks ng mga taong nandirito ngayon at sumasabay sa pag awit ko. Pero ngayon malinaw pa sa pinaghalo-halong lightsticks nila ang totoo na iba ang gusto niya.

Siguro ngayon alam ko na kung sino ang best man sa aming dalawa ni Zed, na halata naman na hindi ako yun.

Ilang beses ko na sinubukang magpaubaya pero hindi ko magawa. May mga pagkakataon pa nga na gustong gusto kong puntahan si Katsumi pero hindi pwede dahil nga alam kong sila na ni Zed. Nakakainis lang talaga na may isa paring mas lamang kesa sayo.

Wala na akong magagawa. Magpapaubaya na talaga ako and this time, totoo na 'to.

Natapos ang ilang kanta at naghihintay ako sa backstage na ayusin nila yung set para sa presscon.

Complicated Goddess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon