Chapter 1: Katsumi

11.6K 265 64
                                    

Katsumi's Point Of View

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Katsumi's Point Of View

"Hi Miss, Pwede bang humingi ng number mo?"

Nasa beach resort ako ngayon. Enjoying the nice weather and sunbathing while wearing my shades, my long black colored hair glowing in the sunlight and oh, Did I mention that Im wearing my two-piece hot pink swimsuit right now?

Nandito ako para magrefresh. Alam niyo na, Something ugly happened to my beautiful life. Nandito rin ako para makaiwas sa stress.

And speaking of stress, This guy infront of me with nice body built and tan skin with matching wet hair appeared in front of me. Nakakainis!

Nandito ako para makapagsolo at mag enjoy nang mag isa pero hindi ko magawa kasi wala pa ngang 5 minutes, may kumakausap na naman sakin, makiki-selfie, at kung hindi, katulad naman niya na humihingi ng number.

To tell you the truth, pang sampu na kaagad siya sa mga yun. And take note ah, wala pa 'kong isang oras dito sa resort.

Nag-smile lang ako sa kanya. Nag-smile din ang kumag. Pogi ka sana eh. Pero sorry na lang, kanina pa kasi ako iritang irita at ilang beses ko ba sasabihin ang katagang...

"Oh Sure."

Ngumiti yung lalaki at kinuha na 'yung phone niya. Akala siguro niya bibigyan ko siya agad ng number. Bago pa man niya ma-unlock yung screen ng phone niya, binara ko na siya.

"Pwede kang humingi ng number, huwag lang sakin ah?" at iniwan ko siyang nakanganga dun. Bahala siya.

Kinuha ko na yung mga gamit ko at isinuot yung beach hat. Isinuot ko na yung shorts ko at itinakip sa bikini ko.
Sobrang silaw ba ng hot pink two piece ko at ako lang linalapitan ng mga lalaki? At syempre, nirereject ko silang lahat.

Dapat lang na ang nag iisang Katsumi Cazzandra Clarkson, ay hindi basta basta nakukuha. Dahil ang mga Diyosa na katulad ko, dapat pinaghihirapan.

Oo tama. Diyosa ako. I may sound like I'm bragging about myself, but I'm just stating the fact. Maraming nagkakagusto sa akin, wait let me rephrase that, Maraming marami to the point na kahit saan akong lupalop ako magpunta, napapalingon silang lahat. Yes, I'm an official head turner.

Hindi ko alam kung paano at hindi ko rin maexplain dahil likas na sa akin 'yun. Ganun lang siguro lahi namin at super thankful ako sa mga parents ko na magaganda ang genes. Sabihin niyo na lang na nagyayabang ako pero totoo naman kasi talaga yun.

Umupo na lang ako sa isang garden set at pinagmasdan ang mga tao. May lumalangoy, nagw-wakeboard, may nagsusurfing, may gumagawa ng sand castle, family outing, may kasama ang kani-kanilang barkada, at hindi mawawala ang mga naglalandian.

Sus! Kala mo naman ang gaganda nila. Mas maganda naman kaya ako. Ang live pa na naghahalikan tapos sa gitna pa. Di na nahiya.

Hindi naman ako bitter purket nag iisa ako at single ako ngayon. Masyado lang talagang kumplikado ang buhay ko. 'Di ko din naman kasi pwedeng isama si kuya Dexter eh. Hindi niya type yung mga ganito. May phobia siya sa paglangoy and I don't know kung paano siya naging takot sa dagat. Hindi rin naman ako marunong lumangoy kasi takot akong malunod. Nevermind.

Complicated Goddess [COMPLETED]Where stories live. Discover now