Chapter 44: Katsumi

1.7K 72 3
                                    

Katsumi's Point Of View

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Katsumi's Point Of View

"Grooowl"

Hiniwalay ni Zedrick yung labi niya nung narinig yung tunog na yun. Napaka wrong timing naman kasi ng tiyan ko. Baka nang aasar lang siguro 'to at sinasabi niya na 'Uuyy Kinikilig na yan' o kaya naman yun yung tunog ng butterfies sa tiyan ko? Nah. Kalokohan na naman pinagsasasabi mo diyan, Katsumi. Gutom ka lang talaga kasi nga hapon na din pala.

Tinawanan lang ako ni Zedrick tapos ginulo niya yung buhok ko at pumasok na sa loob ng building na parang bahay niya sa taas ng rooftop. Grabe, pagkatapos niya akong halikan, iiwan niya ako at pacool na naglakad habang nakapasok pa yung kamay sa bulsa niya. Psh!

Pangalawang beses ko na pala itong punta rito. Ang swerte ko naman kasi ako lang ang nakakakita ng napakagandang view na ito. Naalala ko tuloy nung hindi ko pa alam kung anong meron dito sa rooftop. Akala ko nga may creepy stuff dito kaya wala man lang may tangkang pumunta. Malay niyo kasi may nahulog sa rooftop kaya pinagbawalan na pumunta dito.

Sumunod ako sa loob. As usual, ang ganda parin. Umupo muna ako sa couch at nanood ng T.V. Pagbukas ko nga, Street Fighters yung lumabas eh. Palipat lipat lang ako ng channel hanggang sa makita ko si Dylan sa screen na kumakanta sa isang talk show.

"Aww!"

Nabigla ako sa boses ni Zedrick kaya agad kong in-off yung TV. Baka kasi mapikon na naman yun kapag nalaman niya na pinapanood ko yung bestfriend niya.

Pumunta ako sa pinanggagalingan nung boses at nakita kong nasa kusina pala siya at hawak hawak niya yung kamay niya. Parang napaso ata nung mainit na kawali.

"Pfft!!"

"Hey, are you laughing at me? huh?"

"Hahaha hindi ah!"

"Yes, you are!"

"Nagluluto ka ba? Hahaha"

"Yeah... I think?"

Napatawa na naman ako sa sagot niya. Hindi siya sigurado na nagluluto siya. Halata mong hindi talaga siya marunong magluto.

"Parang di yata alam ang gagawin" bulong ko pero narinig niya pala yun.

"Shut up! I know what I'm doing!"

"Admit it, Zed. You don't know how to cook. Bleh!. Mabuti pa si Dyla---uh oh!!"  Sinamaan niya ako ng tingin.

"Did you mentioned his name?"

"No!! Hehe peace?" Tapos nag 'V' shape ako gamit ang dalawa kong kamay at nagpacute sa harap niya. Charms gumana ka na please.

"Do you seriously think that only Dylan can do cooking?"

Nag smile ako sa kanya at umiling. Ayun! Nag smile na lang din siya at kinuha yung frying pan at yung fries at seryoso niya iyon na piniprito. Hinayaan ko na lang kasi masyado siyang naka focus doon sa ginagawa niya. Pinicturan ko pa nga eh.

Complicated Goddess [COMPLETED]Where stories live. Discover now