Chapter 32: Dylan

1.9K 74 2
                                    

Dylan Ezekiel's Point Of View

"Sir Dylan! Kanina pa po kayo hinahanap ni Direk, Naku po mukhang galit na galit yun." salubong sa amin ng kaliwang kamay ni Direk. Yung assistant niya na halos hinihika na dahil tumakbo pa siya pagkakita nito sa amin.

Agad naman kaming pumunta sa room kung saan naroon si Direk. Di na ako kumatok kaya diretso kaming pumasok sa loob. Sumunod din si Katsumi. Matamlay ang hitsura niya. Parang kanina lang nung kasama niya si Louie, ang saya saya niya, tapos ngayon parang nawalan na ng kaluluwa sa sobrang putla. Tsk! Huwag muna kaya namin ituloy? Kailangan niya munang magpahinga.

Nandun si Direk. Nakaharap siya sa laptop niya at may inaayos na mga kanta. Napansin niya naman ang pagpasok namin at inikot niya yung upuan niya at tiningnan kami na para bang gusto niyang pilipitin ang lalamunan naming dalawa. Galit na galit ang expression sa mukha niya.

Ang pinakaayaw niya kasi sa lahat, ay yung pinaghihintay siya. Tumayo na siya at bigla niyang hinampas yung table nang malakas na siyang dahilan para mapakapit sa akin si Katsumi dahil sa takot.

Ako? Wala nang effect sa akin yun. Sanay na ako sa galit niyang mukha kaya parang normal na rin saakin yung ipinapakita niya. Parang yung expression lang ni Zed, kahit cold at nakakatakot ang titig, sanay na ko.

"Direk, huwag na muna nating ituloy " bored kong sabi sa kanya

"Pinaghintay mo ako Dylan Ezekiel Gonzales tapos sasabibin mong hindi na natin itutuloy? Are you kidding me? Ako ang director dito, huwag mo akong pangunahan!"

Tsk! May lagnat ang leading lady ko! Tsaka hindi naman niya madidirect ang MV na wala ako diba?

"Magsisimula na tayo. Hanapin niyo na si miss Joy para asekasuhin na ang suot niyo. Susunod na lang ako. Dapat pagdating ko, ayos na ang lahat."

Umalis na kami sa room na yun at dumeretso kay Miss Joy. Nakahanda na rin pala yung dadamitin namin. Nakahang na siya at isusuot na lang.

"Sige po magbihis na kayong dalawa. May apat naman pong fitting room sa dulo. Maiwan ko na muna po kayo"

Nagbihis na rin kami ni Katsumi. Syempre hiwalay kami ah. Ewan ko ba dahil sobrang masunurin si Katsumi ngayon, kahit matamlay siya, nag-eeffort parin siya na gawin yung deal namin. Ang ganda niya ngayon. As always naman.


"Nagmake-up ka ba Katsumi?"

"Ah oo eh. Bakit?"

"Ah mukhang natural lang kasi. haha"

"Achoo!" yun ang sagot niya sa compliment ko.

"Ah Katsumi, huwag na muna kaya nating ituloy?"

"No, Dylan. Kaya ko 'to. Diba deal naman natin 'to? Don't mind me. I'm... I'm okay"

"Are you sure kaya mo?"

Tumango naman siya at nag-smile na lang ako sa kanya. Bumalik na rin si miss Joy na tinitingnan yung schedule note niya.

"Oh, nakabihis na pala kayo. Sabi pala ni Direk, baka hanggang bukas pa tayo dito. Lima lang po pala yung rooms dito sa resthouse at occupied na yung apat ng staffs at crew. Yung isa po, sa inyo... and siguro, share na lang kami ni miss Katsumi, kasama yung ibang producers? Pito ata kami." sabi niya at itinuro niya si Katsumi.

Complicated Goddess [COMPLETED]Where stories live. Discover now