Last Chapter: The Complicated Goddess

1.2K 32 1
                                    

Katsumi's Point Of View

Ang tanga ko. Ang tanga tanga. Mahirap palang maging T-A-N-G-A. hay naku! Napakanta pa ako na wala sa oras.

Kidding aside, naiiyak na talaga ako. Sayang din ng mga luha ko na iniiyak dahil sa kanya. All this time na nagdadrama ako sa kwarto ko, sinayang ko lang pala.

Gusto ko siyang sampalin sa mukha, batuhin o kaya naman hampasin dahil dun. Hay naku! Pag nakita ko talaga siya, humanda siya saakin!

Eh shooting lang naman pala yun eh! Sinamantala lang nila yung decoration ng foundation namin. Yung sa marriage booth. Akala ko kasal na talaga. Akala ko totoong nag propose siya kay Mei Bao Wang. Kahit fake lang yun. Dyusko. Tapos narinig ko yung voice record ni Zedrick. Tomboy pala yung walis tingting. Sayang. Model sana eh. Tapos yung time na nahuli ko silang magkayakap, naku, yun lang pala yung nakatingin parents ni Mei kaya nagpapanggap sila na mag on.

Now I finally understand everything. Sinabi na savakin lahat ni Zedrick. I mean, lahat ng misunderstandings naming dalawa. Last night di nga ako nakatulog eh. Kasi kausap ko siya sa phone at ayun, hinayaan ko siyang mag explain.

Nalaman ko rin na siya ang laging nagliligtas savakin. Simula sa resort ng tito niya nung hinahabol ako, noong may amerikano na teacher, yung nakulong ako sa chem lab dahil sa cheerleaders, hanggang sa pool. lahat! Tapos sabi niya ayaw niya raw maglihim sa akin kaya pati yung hidden room niya sa rooftop house, inexplan niya na CCTV room pala yun. Kaya lagi niyang alam kung anong nangyayari.

"Ready ka na ba?"

"Huh?"

"Este, naka ayos na ba mga gamit mo? Yung maleta mo? Nag impake ka na ba?"

"Kuya Dexter, pinapalayas mo na ba ako?"

"Ba't di ka pa naliligo?"

"Ganun na ba kuya sa panahon ngayon? Dapat maligo muna bago lumayas?"

"Anong sinasabi mo diyan, Kat? Sabi ko maligo ka na at ayusin mo na gamit mo. Diba may pupuntahan tayo?"

"Saan?"

"Yung naudlot na christmas vacation remember?"

"Oh that..."

Oo nga pala. Mag n-new year na pala mamaya pero christmas outing parin tawag namin. Di naman kasi natuloy yun eh. Naaksidente kasi kami. Well, hindi naman literally pero muntikan pa kami mag hello heaven ni Zedrick. Buti galos lang sa siko at tuhod. Buti naman at yung mukha namin, walang gasgas.

Napag-usapan din namin 'to nung ididischarge na kami sa hospital. Kumpleto kasi kami doon eh. Bigla na lang sila nagpakita lahat. Tsaka bago raw yung nangyari, pinagplanuhan na daw nila Earl at Dylan yung outing.

"Oo na kuya. Sunod na lang ako"

Nag ayos na ako at sumunod sa baba. May nakapark na dalawang van.

Sumunod ako sa unang van kasi nandun si kuya. Siya yung nagda-drive. Sa isa naman na van, si kuya Neil yung nag drive, katabi si Ate Raine. Hindi naman na raw awkward sabi ni kuya. Tanggap niya na eh.

Tapos sa likod nila kuya Neil, nandun sila Lorene, Janine at Philip, si manang Lynn tsaka college friends din nila kuya at gangster friends ni Zed at kuya Neil. Akaalain niyo yun, kasama nila dati si Zedrick? Fighter na siya sa lagay na yun? Baka titig pa lang niya, patay na yung kalaban eh.

"Hi Katsumi!" sa passenger seat si kuya Riley.

"Hi kuya!"

Nasa pintuan lang ako ng van. Napatingin ako sa second row. Okay? Si Kylie, si Dylan at si Zedrick.

"Ate Cazzey!!!"

Sa third row naman si Maxene at Earl. Kinawayan nila ako kaya kinawayan ko rin sila. Sa pinakadulo naman si Corinne at Terrence. Nakasmile silang lahat except kay Zedrick. Sungit talaga.

"Katsumi dito oh" sabay turo ni Dylan sa space. Sa gitna ni Dylan at Zed.

"Tss"

Naano naman 'to?

Sumakay na lang ako at tumabi sa kanila. Inantok na yung katabi ko na nasa gilid ng bintana. Si Dylan naman at si Kylie, di ko maintindihan! Alien na ata sila. Eh silang dalawa lang nagkakaintindihan. Kung ano ano kasing pinag uusapan tapos akala ako yung tinatawag nilang Kat, pusa lang pala.

Maya maya, sumandal na siya sakin. Zed namiss kita!

Bumaba na kami sa resort. Dito kami nag shooting dati. Yung resthouse na may cherry blossoms sa entrance? Ang ganda parin! Syempre walang ibang tao. Exclusive lang para saamin. Private nga diba?

Kung ano ano ang ginawa nila maghapon. Nakakapanibago lang dahil wala si Zed. Si Louie din at Earl. Si Dylan lang nandito kasama ko at naggigitara siya. Yung iba, ayun, lumalangoy na ata at nag eenjoy.

"Gusto mo kantahan kita?"

"Huwag na, baka makatulog pa ako"

Ngumiti lang siya sa akin. Nakaupo kami sa isang cottage. At ayun, kinakantahan niya ako. As expected, ang ganda talaga ng boses ni Dylan. Kaya nga pati si kuya Dexter naging fanboy niya. Weird talaga nun.

Dahil sa dalang dala ako ng boses ni Dylan, hindi ko namalayan na napapapikit na pala ako ng mata. Bigla akong inantok.

Pagbukas ng mata ko, nakadamit na ako ng wedding gown at nasa tapat na ako ng simbahan.

Hindi ko namamalayan na naglalakad na ako papunta sa aisle at napatingin ako sa lalaking ikakasal saakin---bakit si Louie?

Mas nabigla ako dahil si Earl ang pari sa kasal tapos si Zedrick, ayun nakasandal lang sa pader at walang pakialam. Teka bakit ganito?

Zedrick! Wala ka bang pakialam saakin? Dapat ikaw ang pakakasalan ko. Bakit si Louie nasa harap ngayon?

"Itigil ang kasal!!" Rinig kong sigaw ng lalaki. Akala ko si Zedrick pero si Dylan pala. Nasa pintuan siya.

Bakit parang ang gulo gulo?

"Itigil niyo ang kasal! Sorry Kat, alam ko na maganda ka---ikaw na nga ata ang pinakamagandang babae na nakita ko, pero alam mo kasi, mas bagay kami ni Louie"

Lumapit siya at akmang yayakapin si Louie pero biglang sumulpot si Zedrick sa gitna nilang dalawa.

"No! I should be the one to marry you, Dylan. Why are you doing this to me? Did I take you for granted? You said you love me? Then what is the meaning of this" pagprotesta ni Zedrick kay Dylan.

Anong nangyayari??

Complicated Goddess [COMPLETED]Where stories live. Discover now