Chapter 39: Katsumi

1.8K 73 5
                                    

Katsumi's Point Of View

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Katsumi's Point Of View

Seryoso siyang nakatitig sa aming dalawa at diretsong naglakad papunta sa direksiyon namin. Kumalas ako sa yakap ni Kuya Riley at napatingin sa baba. Hindi rin ako makatingin sa kanya dahil sa bawat pagsulyap na gawin ko, lumalakas lang ang kabog ng dibdib ko. Alam niya kaya na may gusto na ako sa kanya?

Maya maya, naramdaman ko na lang ang isang kamay na nakapatong sa batok ko at malakas na hinila papunta sa kanya, dahilan para makasubsob ako sa dibdib nito. Napatingin ako sa mata niya. Parang galit at hindi mo maipinta ang halo halong emosyon sa mukha nito pero may bakas paring cold stares at pagka creepy.

Hindi ko makita ang reaksiyon ni Kuya Riley dahil nakatalikod na ako sa kanya. Syempre dahil nakayakap at nakasubsob ako kay Zedrick at kaharap siya nito. Pero isa lang ang alam ko, nararamdaman ko ang matalim na titig ni Zed kay kuya na mistulang bala na nakakamatay.

"I'll let you off today because you're leaving, but once I found out that you gave meaning to that hug, I'll make sure you'll never get to see her again." pagbabanta niya kay kuya Riley. Pagkatapos, kinuha niya yung kamay ko at hinila palayo. Lumingon ako at tumango na lang si Kuya Riley akin. Naiintindihan naman ata niya ang sitwasyon.

Hawak niya ang kamay ko nang mahigpit hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang kotse. Siguro kasing pula na ako ngayon ng kamatis.

Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger's seat at tsaka tumingin sa akin. Wala na rin akong nagawa at pumasok na lang sa kotse. Sinara na niya yung pinto at dumeretso na sa driver's seat.

Hindi ko siya tiningnan. Sa baba ko na lang ifinocus ang mata ko. Nagulat na lang ako dahil bigla niya akong niyakap---okay that word is way beyond reality. Inayos niya lang naman pala yung seatbelt ko. I keep on imagining things recently. As if naman na may gusto din siya sa akin. Kaya ayun, hinayaan ko na lang siya na magdrive. Naalala ko tuloy yung sinabi sa akin ni Dylan dati...

"Mahal ka din ni Zed. I know.. because I know him more than anyone else Katsumi. Hindi lang niya plano na maging kayo. He really mean it. Ikaw lang ang babaeng gusto niya. Simula nung umalis ka, alam mo bang hinintay ka niya? ...."

Umiling iling ako. No. Hindi muna ako mag-iisip or mag aassume ng kahit ano hangga't wala pang go signal na galing mismo kay Zedrick.

At kahit ilang beses ko nang kinumbinsi ang sarili ko na huwag siyang tingnan, ginawa ko parin. Nice one, Katsumi. Nabuking mo na ang sarili mo na obsessed ka talaga sa kanya.

Bigla siyang ngumiti. I was caught by that smile. Hindi iyon smirk na kadalasang nakikita sa mukha niya. It was a beautiful curve-- a sincere and mesmerizing smile. His ultimate weapon that would make every girl completely fall for him. Argh, Zedrick! Why are you doing this to me?

Complicated Goddess [COMPLETED]Where stories live. Discover now