Chapter 41: Katsumi

1.6K 61 5
                                    

Katsumi's Point Of View

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Katsumi's Point Of View

"At para naman sa ating star news, totoo nga ba na in a relationship ang status ng Prince of Social Media na si Dylan Ezekiel Gonzales? Noong makalawa lamang nang kumalat ang mga larawan niya sa kanyang social media accounts na kasama ang babaeng nakilala bilang si Katsumi Cazzandra Carkson na 'di umano'y kaklase niya sa sikat na GRIWA---"

In-exit ko na yung browser. Nababaliw na ata ako dito. Kanina pa kasi ako nakatitig dito sa Macbook Air ko.

No.1 na ang pangalan ko sa search engine. Kalat na rin ang mga pictures namin ni Dylan sa internet. Viral sa social media accounts ang articles tungkol sa amin at laman na ng mga magazines ang interview kay Dylan at ngayon pati headline ng news. Sobrang dami na rin ng comments at reactions ng fangirls ni Dylan (na sabihin na nating haters ko na ngayon)

Girl, trending ka na worldwide! Halos ilang million na rin ang views ng mga music videos niya.

Hindi ko ma-contact si Dylan at hindi ko rin alam kung paano nakarating sa media at kumalat yung issue na yun. May papalapit siyang concert at alam kong busy siya, hindi naman siguro siya ang nagpakalat nun di ba? Kilala ko si Dylan, hindi siya yung tipo na ganun.

Anong gagawin ko ngayon? Hindi ako makalabas ng bahay. Kailangan ko pa namang puntahan si Zedrick. Simula kahapon wala na akong balita tungkol sa kanya.

"Aaargh!!!!" Sigaw ko habang nakabalot ng kumot ang buong katawan at nagpagulong gulong sa kama.

Biglang may malakas na kalabog ng pinto kaya napabangon ako. At alam ko kung sino ang nandun. Si Kuya Dexter lang naman na may towel sa balikat at halata mong kagagaling lang sa shower.

Kanina lang ay naririnig ko pa siyang kumakanta sa loob ng banyo nung kanta ni Dylan. Akala ko nga kung anong pinapatugtog ni kuya na nagcover nung kanta ni Dylan, siya lang naman pala. Fanboy problem. Sorry naman, I know gwapo si kuya pero hindi siya singer. Siya yung tipong pwedeng makabasag ng eardrums.

"What's up with your face, Kat? Ew bangag ka na?"

"Bakit kuya? Ayos naman mukha ko ah? Anong akala mo sa akin, nawalan ng isang butas ang ilong? Ganun? Hindi na ba ako maganda?" Tanong ko habang nakapout. Lumapit naman si kuya sa kama ko at kinurot ang ilong ko.

"Maganda ka pa naman Kat, kaso lang halatang stressed. Ano ba kasing nangyari? Pati ako naguguluhan na eh. Akala ko ba yung kapatid ni Neil yung boyfriend mo?"

Oo. Nalaman ni Kuya yung fake relationship namin ni Zedrick at naniniwala parin si Kuya na kami pa hanggang ngayon. Well, official naman na pala na kami ni Zedrick kaya okay lang kung hindi ko na sabihin kay Kuya Dexter yung tungkol doon.

Complicated Goddess [COMPLETED]Where stories live. Discover now