Chapter 45: Katsumi

1.6K 69 13
                                    

Katsumi's Point Of View

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Katsumi's Point Of View

"Oy Zedrick, tama na nga yan. Grabe nagrereklamo na sayo 'yang front cam"

Selfie kasi siya nang selfie doon sa cellphone ko. Marunong din pala 'tong magpacute?

Hindi parin ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon, na sa kabila ng seryosong aura niya na Zedrick mode, ay may nagtatagong pacute na Kyle mode na ang sarap ibulsa!!

Tapos kanina nag photoshoot kaming dalawa sa rooftop. Ang dami niya ngang kinuha. Lahat na ata ng sulok dito mapakusina man o sa labas ng mini house niya na nandito sa rooftop, naging background na namin.

Eh pano, tinalo niya pa yung SONA ni Mr. President sa haba ng mga pinagsasabi niya. Muntik pa ngang dumugo yung ilong ko sa sobrang lalalim ng mga words na ginamit niya. Pure english yun ha!

Siguro... yung last time na nagsalita siya ng tagalog ay yung time na nag-transfer ako sa G.R.I.W.A. at nung inoffer niya yung deal niya sa akin.

Pinagalitan niya ako kanina kasi syempre, nakita niya na nakalock screen at home screen wallpaper ko yung picture naming dalawa ni Louie. Tapos pagbukas niya sa gallery ng phone ko, puro selfie namin ni Earl at photoshoot namin ni Dylan yung nakita niya at syempre, mga natitirang photos namin ni Louie.

Hmm. Pero okay lang. Namumula pa nga siya dahil sa galit kanina. Ang cute kaya ni Zedrick! Jealous boyfriend.

At talagang hindi siya nagpatalo! Binilang niya kung ilan yung pictures namin ni Dylan at Earl at pagkatapos, sinabi niya saakin na dapat mas marami yung picture namin ni Zedrick.

Oh diba? Nakakatuwa kaya and at the same time, kinikilig din ako. Sino ba namang matinong tao na hindi kikiligin kung si Zedrick ang magiging boyfriend nila? Wala naman ata. I mean, tao pa ba siya? He's just way too perfect!!

At isa pa, hindi parin nagsisink in sa utak ko na sobrang talented ng boyfriend ko. Ang ganda talaga ng boses niya. Kung nag singer na lang din kaya siya gaya ng bestfriend niya?

Pero ang galing niya rin talagang mag-gitara. Yun bang, hindi parang ordinary lang na naggigitara? May something kasi na sobrang ang cool ng effect. Hindi ko nga rin maexplain eh.

Bahala nga siya diyan na mag picture. Bababa muna ako kasi may nakalimutan pala ako sa kotse kanina. Baka nasa loob yung susi. Tsaka may tumawag sa kanya at ang seryoso ng usapan. Ayoko namang makaistorbo.

***

"Ahm... ate Cazzy right?" Napalingon ako sa isang boses ng babae.

Nakita ko yung sumampal sa akin dati na napag alaman kong Kylie pala ang pangalan at kapatid ni Kyle Zedrick.

Sorry naman, nung una kasi wala talaga akong clue na kapatid siya ni Zed kasi diba, nag migrate kami sa states dati at ang alam ko lang na kapatid niya ay si kuya Neil. Hindi ko naman alam na magkakaroon pa siya ng little sister kasi hindi naman ako si madam auring para manghula.

Complicated Goddess [COMPLETED]Where stories live. Discover now