Chapter 29: Louie

1.9K 69 3
                                    

Terrence Louie's Point Of View

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Terrence Louie's Point Of View

"Katsu----ay sorry miss."

Lunch time na pala. Lahat na ata ng lugar napuntahan ko na at nalibot ko na rin ang buong GRIWA pero hindi ko parin siya nakikita. Pang ilang babae ko na 'tong napagkamalan na si Katsumi. Siguro nga naghahallucinate lang ako kaya nakikita ko siya kahit saan. God, I really missed her.

Aakyat na sana ako sa classroom dahil naiwan ko yung bag ko dun, pero nakita ko siya na kalalabas palang sa restroom kaya agad akong umikot ng direksiyon para puntahan siya.

"Aaah, oh my gosh!" 

Napatalon siya sa kinatatayuan niya. Nagulat ata siya sa ginawa ko. Nakatalikod kasi siya sa akin tapos isinara ko yung bag niya. Kinuha ko yung kamay niya at hinila siya papunta sa cafeteria.

"Louie bakit mo ko hinihila?"

"It's lunch time Zandy... Pati nga yung bag mo gutom na."

Tumingin siya sa akin tapos tinaasan niya lang ako ng kilay. Napangiti na lang ako. Why am I even laughing at my own joke? Ganun na ba kaseryoso sa buhay si Katsumi? Nahawaan ba siya nung Kyle na yun?

Pinaupo ko siya sa isang table. Buti naman at may umalis kaya nakahanap agad kami ng pwesto. Wala rin siyang reklamo at umupo na lang. Umorder na ako ng pagkain namin. Syempre binili ko yung paborito niya.

"Bakit ka nandito? diba may practice ka pa? Tsaka mamaya niyan makita pa ako ni Corinne." Yan agad ang salubong niya sa akin. Inilatag ko muna yung tray at umupo sa kaharap niya.

"Bago mo problemahin si Corinne, unahin mo muna kaya yang problema mo?" Sabi ko at tinuro yung tyan niya na nagsasabing 'grooowl'

Nagpout siya at kumain na din. Nakurot ko nga yung cheeks niya. Ang cute niya kasi. Pinagmasdan ko muna yung maganda niyang mukha tapos kumain na rin ako.

Ang saya lang sa pakiramdam. Nasa harap ko na yung babaeng mahal ko at wala nang pipigil sa amin ngayon. Nadadaan lang naman pala sa usapan eh. Bakit ngayon ko lang yun ginawa? Well, siguro nga nadala lang ako ng takot ko kasi ayaw ko siyang mapahamak.

Biglang nag-vibrate yung cellphone niya na nakapatong sa table. Dali-dali niya itong kinuha at ngumiti siya nang makita ang screen pero sumimangot ulit. 

"May problema ba, Zandy?"

"Ahh wala. Si Zedrick kasi nagtext. Aabsent daw. Psh! Lagi naman eh! What else's new diba?" Sabi niya na may pagkatampo sa tono ng boses niya.

Itinago niya na yung cellphone sa bag niya at uminom na lang nung four seasons na juice in can.

"Katsumi pwede ba kitang makausap?" Sabi ko na nakapagpatigil sa pag inom niya at malapit niya pa akong mabugahan nung inumin. May mali ba sa sinabi ko?

"Ayy, wait may tumatawag eh---Hello? Ano? miss mo na ako agad? Aabsent absent ka, di ka pumapasok tapos ngayon sasabihin mo miss mo ako? grabe ka naman! Oo, kumain na ako. Tumawag ka lang para itanong kung kumain na ako? Aww sweet naman. Oo na--ano? tinatanong mo kung sino kasama ko? hmm wala mag isa lang ako haha oo sige bye..."

Complicated Goddess [COMPLETED]Where stories live. Discover now