Chapter 38: Katsumi

2K 73 6
                                    

Katsumi's Point Of View

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Katsumi's Point Of View

Sumakay ako agad ng taxi. Kanina pa ako nagmamadali pero bakit parang nagpapaikot ikot lang itong sinasakyan ko? Dinaanan na namin 'to kanina pero heto, nandito na naman kami, para bang pinipigilan niya akong pumunta kung saan man ako pupunta ngayon.

Sa tingin ko may mali dito. Bigla tuloy bumilis ang pintig ng puso ko lalo na nang biglang nag u-turn yung driver kaya muntikan pa akong tumilapon. Wala pa naman akong seatbelt!

Isa pang nakakapangilabot ay ang aura ng lalaking nagmamaneho ng taxi. Sa hitsura niya, mukha siyang kasama ng mga sindikato at terorista dahil sa itim na pormang suot niya. Hindi ko rin masyadong naaaninag ang mukha nito dahil natatakpan iyon ng itim na ball cap. Bakit ba ito pa ang sinakyan ko? Sana naman maabutan ko pa si Zedrick sa airport.

"Teka manong, mali po yata ang kalsadang dinadaanan natin? Diba sa kabila po yung papunta sa airport?"

Hindi niya ako sinagot. Ngumiti lang siya ng nakakapangilabot. Tumaas ang balahibo ko lalo na at hindi ko na alam kung saan kami papunta. Kinakabahan ako. Tila may masamang mangyayari.

"Sa-saan po ta-tayo pap-punta?" Utal kong tanong sa kanya. Nilakasan ko na lang ang loob ko.

"Sa tuwid na daan." Isang familiar na boses. Hindi ko alam kung matatawa ako, maiinis, magagalit o kung ano man dahil sa sagot ng boses na iyon.

Huminto ang taxi sa harap ng isang sports complex, lugar kung saan alam kong nandito ngayon ang lahat ng athletes ng Grand Royale International Academy. Lugar kung saan nagt-training ang mga school jocks para sa Interschool Championship Tournament na gaganapin sa susunod na araw at kasama na doon ang lalaking kaharap ko ngayon na kasalukuyang hinuhubad ang ball cap at ang itim na sweater at isinuot naman ang varsity jacket niya.

Nanlaki ang mata ko sa bumungad na mukha sa harap ko. Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto. Bumaba naman ako at tiningnan ko siya ng naiiritang tingin.

"Louie naman, bakit mo ginawa yun?"

"Alin naman?"

"Don't me, Louie. I knew you heard us talking, alam kong alam mo yung pinag-uusapan namin ni Dylan kanina. Kaya ba nagpanggap kang driver para lang pigilan akong puntahan siya?"

"Just come with me for a while" kinuha niya ang kamay ko at hinila sa loob ng isang open field na kaharap ng gymnasium.

"Ano ba, Louie? Bitiwan mo nga ako!" Tinanggal ko ang kamay niya at umupo sa isang upuan si gilid ng fields. Lumapit naman siya at tinabihan ako.

Complicated Goddess [COMPLETED]Where stories live. Discover now