❥ EPILOGUE

2.3K 67 4
                                    

Katsumi's Point Of View

Kung may babaeng makakatalo sa record ni Rapunzel dahil sa haba ng buhok niya, malamang ako na ata yun.

Kung beauty pageant naman ang pag uusapan, malamang nanalo na ako ng title at may bonus award pa na miss Congeniality. Eh paano ba naman kasi, bestfriend na ako ngayon ni Earl, ni Louie at ni Dylan at pati na rin ng mean girls!

Naninibago ako nung simula pero syempre hinayaan ko na lang sila. Marami na kaming pinagdaanan na mga kumplikadong bagay at masasabi kong sapat na yun bilang ituring silang importante sa buhay ko.

Ang mahalaga ngayon, hindi kami nagka away away at sobrang thankful ako dahil sa kabila ng mga pinagdaanan namin at sa ginawa kong pag reject sa kanila, sila parin ang nag offer saakin na maging bestfriend ko. Nakakatuwa lang dahil parang ako na yata ang pinaka maswerteng babae sa mundo.

Una, si Earl Joshua Perez. Student Council President. Matalino. Campus Journalist. Magaling magdrawing. Cute na genius nga eh, magaling mag drums and nagustuhan niya ako noon na hindi ko naman nalalaman. But now he's happy with Maxene. I'm so happy for both of my bestfriends.

Yes. Maxene. I really missed her. My first bestfriend. May forever na siya. Stupid is Forever. Pero joke! Mahilig na kasi siyang mag aral. Corinne used her dati para makakuha ng infos about me and Louie at sumama sa Mean Squad. Pero ngayon, okay naman na ang lahat. Tsaka since nagtransform si Corinne, nagbago na rin pati mga ugali nila. I already forgave her and her sister.

Di kami close ni Janine dati. Pero past na yun. Kahit gumawa siya ng malaking gulo using Dylan's phone at kumalat sa net, siya rin naman umamin at nagsorry sa akin. Happy narin siya at sinagot niya na si Philip Avila. Yung guy na kasama ni Zed sa resort? Basta yung kapatid ni Lorene.

Lorene. Oo na nagselos ako sa kanya dati. Pero magpinsan lang pala sila ni Zed. Grabe naman kasi. Inisnob pala siya ni Zed dahil yung grupo ni Corinne inaaway ako.

Dylan Ezekiel Gonzales. Famous na social media influencer. Magaling kumanta, dream guy ng girls. Sobrang lakas ng dating. Gwapo syempre. Self proclaimed na destiny ko daw. Isa sa mga lalaki na nakapagpakilig sa akin. Siya yung taong nakilala ako nung time na akala ko niloloko ako ni Louie--- a shoulder to cry on. Magaling magluto. Goodluck na lang sa bago niyang career. Ang swerte ng magiging girlfriend niya. Kumusta na kaya si Kei? I mean si Kylie. Balita niya sakin, umamin siya eh.

Then, Terrence Louie Cortez. My ex boyfriend. Nung naghulog ata ng kakayahan sa sports, siya ang sumalo ng lahat ng blessings. Talented siya sa lahat ng sports eh. Charismatic naman siya at ma-appeal kaya nga nagustuhan ko siya eh. Ayun, nagkabalikan na sila ni Corinne.

Speaking of Corinne, we're okay. Nagsorry naman na siya sa akin sa lahat. Too bad noon, para siyang toilet bowl na laging nababara ko. Siya ang taong nagturo sa akin kung paano maging palaban. Although I admit na pinahirapan niya ako ng sobra with all those plans she made, naiintindihan ko naman na ngayon kung bakit. At least wala na kaming problema.

And here's my so called soulmate, Kyle Zedrick Lim. My childhood sweetheart. Ang pinakagwapo sa lahat. Matalino, unpredictable, mysterious hearthrob, cold, nakakanosebleed, sumpungin, masungit, Mr. Shut Up but warm hearted, sweet, over protective at siya ang lalaking mahal na mahal ko.

Ay si kuya pa pala. Naiistress ako sa kanya. Buti na lang medyo nakamove on na siya kay ate Raine na girlfriend parin ni Kuya Neil na bestfriend niya.

Complicated Goddess [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora