Chapter 10: Kyle

3.4K 137 31
                                    

Kyle Zedrick's Point Of View

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

Kyle Zedrick's Point Of View

"Master Zed nagawa ko na po yung ini-utos niyo. Heto na po yung susi ng kotse mo. May ipagagawa ka pa po ba sa akin?" I just stared at my butler and got the car keys from his hands.

"Pasensiya po natagalan ako. Hindi po kasi ako makalabas sa kotse dahil sa dami ng nakapalibot kanina. Buti na lang po dumating yung mga security guard" He left after saying that. Alam naman na kasi niya na kapag hindi ako nagsalita, wala na akong kailangan mula sa kanya.

I let my butler drive my car all the way to the parking area. Expected ko naman na kasi na dudumugin na naman ako ng mga haliparot na babae na walang ibang ginawa kundi ang lumandi. I'm not saying all of them are like that, karamihan kasi sa school namin ganun.

I hate being the center of attention always. The girls here are pretty and all but I just don't like their way of saying hello. I mean, when you get near them, they cling into you and drag you anywhere. Tss. They are irritatingly all over the place. How annoying.

Why did my dad even made those rules? There are certain qualifications here like you should be intelligent, good looking, talented and of course, rich. At kapag nakapasa ka na sa mga reauirements na yun, makakapasok ka na sa GRIWA. Wala ditong outcast. Mga piling students at qualified students lang talaga ang naa-admit dito. Yun nga lang, may iba talaga na masasama ang ugali.

Yeah. We owned this school. Nakakasawang pakinggan diba? Lahat na lang ng gwapong nilalang, anak ng may ari ng isang sikat na school. Ewan, baka ganun talaga yun. Baka ganun talaga ang kapalaran ng mga taong ipananganak na sobrang gwapo. Hindi ako nagyayabang. I'm just stating the obvious.

I'm here at the high school building's rooftop. This is my territory. Walang ibang pumupunta rito kundi ako lang. Hanggang sa locker rooms lang sila. Hindi nila dinideretso ang hallway kung saan matatagpuan ang hagdan papunta rito.

They seldom see me walking past the hallway. Kaya kung makasalubong mo ako, maswerte ka. Bihira lang akong bumaba. I don't attend class frequently except when there are performance tests, quizzes and exams or just to pass my assignments.

Hindi ibig sabihin na anak ako ng director ng school, laging matataas ang nakukuha kong scores. I work hard for the sake of my grades. 'Yun ang ginagawa ko dito sa rooftop. I managed to be the top of the class kahit lagi akong wala sa classroom.

They know me here as man of few words. Kapag kinakausap ako, lagi akong nag eenglish. Hindi pa nila ako naririnig na magtagalog. Misteryoso nga daw ako sabi ng iba at may narinig akong usapan na magtatagalog lang daw ako kapag inlove na raw ako. Tss. Naniwala naman ang lahat sa rumors na yun.

Isa sa mga dahilan ko kung bakit hindi ako bumababa dito, ay dahil ayokong nilalapitan ako ng ibang babae. Naiirita ako sa kanila. Kinakausap nila ako pero blank lagi ang ibinibigay kong expression sa kanila with icy cold stares. Ang totoo niyan, wala lang ako sa mood makipag usap sa kahit na sino.

Hindi rin ako sumasagot kapag kinakausap nila ako. Hindi ko nga alam kung bakit hindi sila natuturn off sa akin at sa ugali kong yun. Dahil para sa akin, isa lang ang babaeng gusto ko. Yung childhood crush ko. Pero sa tingin ko, hindi niya na ako kilala. Eh ako nga kilalang kilala ko pa siya.

Kilala ko ang lahat ng nag-aaral sa academy na 'to. May information ako tungkol sa kanila na nakasave sa computer ko. I'm not invading their privacy, syempre need kong malaman yung background ng students na pumapasok sa school na pinagmamay-ari namin.

Alam ko rin kung sino yung mga transferee at yung mga datihan. Nakakabigla dahil hindi ko inaasahan na dito na siya mag-aaral. Well, wala na kasi akong balita tungkol sa kanya. Akala ko nga, hindi na kami magkikita ulit.

Pero one day, nakita ko na lang ang isang familiar na mukha sa beach resort ng tito ko. And I didn't expect to see her that day. 

Gusto ko na siyang makausap ulit at tanungin kung bakit niya ako basta basta iniwan nun eh. Tss.

Pero ayokong dumadaan sa hallway. Kanina nga papasok sana ako sa classroom pero nairita lang ako sa nakita ko. May naglalandian sa bench. Tsk! 

Siya rin yung nakita kong lalaki na kasama niya kanina. Unang tingin pa lang, Parang may matagal na siyang gusto sa babaeng gusto ko.

Fiancé din siya nung Maxene Ocampo? Na kalandian niya sa bench kanina nung dumaan ako. I dunno. Tapos siya din yung nakita kong kasama ni Katsumi malapit sa restroom ng girls. Nasa rooftop ako nun. At paano ko naman sila nakita na nasa rooftop ako?

May access ako sa CCTV kaya alam ko kung ano ang mga nangyayari sa loob ng school na 'to. Well, except sa mga restroom syempre. Nakita ko yung lalaki na yun na nagpanggap na nawawala siya sa school. Alam kong transferee siya dahil hindi ko kilala yung mukha niya. Nakita ko na nga siyang nakarating na sa room pero bumalik siya para abangan si Katsumi.

And speaking of, nakita at narinig ko ang lahat ng nangyari sa locker room. What the heck? Ex niya pala yung athlete na Terrence na yun? That crazy bastard!

Wala pa akong alam kung bakit sila nagbreak. Wala rin akong naririnig na usapan pero ang alam ko, may kinalaman ang grupo ni Corinne sa nangyari.

Nakita ko sila sa CCTV na nagtatawanan at nag-uusap sa loob ng classroom last year. Topic nila silang dalawa. Well, si Corinne Mendez lang ang nakikita kong natutuwa sa mga kinukwento niya at yung kasama niyang tatlo? Parang napipilitan lang na sumama sa kanya.

Nung una, hindi ako naniniwala sa narinig ko. All this time, wala akong balita sa kababata ko. Hindi ko alam na ang lapit lang pala namin, Di lang kami pinagtatagpo.

So close yet so far.

Chance ko na kaya na magpakita sa kanya? Kaya ko na ba siyang harapin ulit?

Hmm.. May naisip tuloy ako.

Gagana kaya yun? Makikilala niya kaya ako ulit? 

Just wait and see Katsumi Cazzandra Clarkson. Maaalala mo rin ako.

♡♡♡

♡♡♡

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.
Complicated Goddess [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora