Chapter 22: Katsumi

2.4K 104 5
                                    

Katsumi's Point Of View

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Katsumi's Point Of View

"Aaaaaaahh!!" Napasigaw na lang ako at napasabunot sa buhok ko. Bakit ako namomroblema nang ganito? Ginagawa ko pang big deal kung sinong humalik sa akin.

Ini-lock ko yung pinto ng kwarto ko. Ngayon ko lang naalala, naitapon ko pala yung bag ko kanina kasi hahampasin ko sana si Louie pero binuksan niya yung ilaw kaya hindi natuloy. Kaya siguro nakita ni Kyle kaya ngayon, ibinalik niya 'to sakin kaya siya nandito. Misteryosong nilalang. Psh!

Nakita niya rin kaya yung nangyari kanina, yung sa amin ni Louie? Or nandun siya sa lugar na yun bago pa pumunta si Louie? At bakit siya nasa school? Akala ko wala siya eh. Di nga siya pumasok. Absent as usual.

Hindi ko alam pero lumapit ako sa bintana at sumilip. Kita kasi doon yung front gate ng bahay. Buti naman at pinapasok siya nung guard. Hindi parin umaalis si Kyle. Nakaupo siya sa isang bench sa garden namin. Halatang pagod siya. Napansin ko sa labas na wala siyang dalang kotse o ano. Tumakbo ba siya papunta rito?

Hindi ko rin maipagkakaila na ang gwapo niyang tingnan lalo na nung sinuklay niya sa buhok niya yung kamay niya.

Ano bang pinag iisip mo, Katsumi?

Simula kasi nung tinanong ako ng kuya ko at ni Dylan kung may naaalala ako sa kanya parang naging curious tuloy ako sa pagkatao niya tapos lagi ko na siyang naaalala kahit na lagi naman siyang wala sa klase. Baliw na ata ako. Ay ayoko pa naman mabaliw noh! Ano ako, si Corinne?

Bumaba ako at kumuha sa ref ng coke in can tapos lumabas ng bahay. Magpapasalamat lang ako noh! Nakokonsensiya kasi ako. Oo, tama! Nakokonsensiya nga ako. Kasi naman, tumakbo pa siya papunta rito.

Pero medyo malapit lang naman kasi bahay namin sa school. Hindi mo naman kailangang tumawid ng bundok o mag eroplano o sumakay sa roro para makarating. Sinusundo lang ako ng kotse nila kuya kasi syempre, galing din siya sa school niya. Ay bahala na nga!

Buti naman at hindi nahalata nila kuya Riley na medyo hindi ako mapakali dito. Dumeretso na ako sa garden.

"I knew you'd come for me."

Ang yabang talaga ng nilalang na 'to, nakakaasar! Ibinigay ko na lang sa kanya yung coke at ininom niya agad. Hanep yan, para pa tuloy siyang endorser ng coke. Model siya diba? Si Dylan, Louie at Kyle model ng iba't ibang brands. Pero inaamin ko na. Si Kyle ang pinakagwapo sa kanilang lahat. I'm not being biased here ah, totoo kasi yun.

Grabe, kung ano ano nang naiimagine ko rito. Napatingin siya sa hitsura ko. Anong masama kung nakapantulog na ko? Ang cute kayang tingnan!

Complicated Goddess [COMPLETED]Where stories live. Discover now