Chapter 20: Katsumi

2.5K 100 5
                                    

Katsumi's Point Of View

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Katsumi's Point Of View

Hindi niya parin tinatanggal yung tingin niya sa akin. Paano naman kaya siya nakapasok sa academy namin na ganun yung hitsura niya? I mean, unang tingin pa lang, mukhang hindi na siya mapagkakatiwalaan.

Nag-focus na lang ako sa libro na nasa armchair ko. Maya maya, may nakita akong sapatos sa baba kaya napataas ako ng tingin at nakita ko siyang naka smile. Feeling ko, nagsitaasan ang mga balahibo ko sa kanya. Halos di nga ako makahinga.

Pumunta na siya sa harapan at nagpakilala. Hindi nga ako gaanong nakinig. Ang narinig ko lang Mr. Schwarzenegger. At wala rin akong pakialam kasi hindi ko naman ma-pronounce yung apelyido niya. Ang alam ko lang, mukha siyang manyak!!

Nag-disscuss na siya ng lesson niya at hindi ako makaconcentrate. Pasulyap-sulyap kasi siya sa akin. Naiilang ako and at the same time, nangingilabot.

Patingin-tingin ako sa relo, hoping na sana matapos na ang delubyo na iyon. Pero sadyang bumabagal talaga ang oras kapag lagi mo itong binabantayan.

Pasimple ko na lang na inilabas ang phone ko. Inilagay ko iyon sa gitna ng libro. Para akalain nila, nagbabasa ako ng libro kahit na hindi naman talaga. Ganun naman talaga technique ng mga students diba?

Nagscroll ako sa mga pictures hanggang sa makarating sa pinakadulo. Tiningnan ko iyon nang mabuti. Isang larawan ng dalawang bata. Isang babae at isang lalaki. Syempre kami yun ni kuya. Ano, akala niyo si Kyle? Ni hindi nga siya maalala ng brain cells ko. Familiar lang yung dimple niya sa akin. Basta, 'di ko alam kung saan ko nakita yun.

Anyway, hindi lang naman pala siya ang lalaking may dimples. Si kuya nga meron at si Louie nga pala meron din. Ayan na naman siya, nabanggit ko na naman ang pangalan niya. Hay!

Itinago ko na ulit yung phone ko sa bag. Buti naman at nag-bell na. Nakaligtas ako dun.

Napabuntong hininga na lang tuloy ako. Paano pa kaya sa mga susunod na araw? Hindi ako mapakali kapag tinitingnan ako ng teacher na foreigner na yun. Parang anytime, sasabog na ang puso ko sa sobrang kaba.

Hindi na muna tuloy ako pupunta sa cafeteria. Wala naman akong kasama eh. Mamaya, awayin na naman ako ni Corinne baka mabara ko na naman siya. Kawawa naman tuloy siya kung nagkataon.

Napatingin ako sa bag ko na bukas. Nandun parin yung sulat. Kanino kaya galing 'yun? Pa mysterious effect pa kasi.

Binuksan ko iyon at binasa. Ano ba naman yan, Sulat na puro Hugot?!!

Katsumi,

Sabi nila, love is in the air daw... kaya ka pala iniwan sa ere. Alam mo kasi, hindi ka naman sardinas para ipagsiksikan ang sarili mo sa mga tao na ayaw na sayo. Oo, maganda ka nga pero hindi ka bato na hindi nasasaktan. Hay, para kang ballpen ko, ilang beses na nahulog sa harap mo pero ni isa, hindi mo man lang sinalo.

Complicated Goddess [COMPLETED]Where stories live. Discover now