Chapter 5: Earl

4.6K 168 32
                                    

Earl Joshua's Point Of View

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Earl Joshua's Point Of View

Wala naman akong nagawa. Umupo na lang din ako at naghintay na dumating yung class adviser namin. Isinaksak ko sa tenga ko yung airpods at nakinig na lang ng music para hindi ko marinig yung mga sinasabi ng katabi ko. Ang ingay ingay eh.

Sa pagkakaalam ko, may kulang pa sa amin. May mga bakanteng upuan pa sa likod, yung katabi ni Caz. Grabe naman oh, di ko man lang siya nakatabi. Panira kasi talaga si Maxene.

Dumating na yung class adviser namin. Si Miss Jean. tinanggal ko na yung mga gadgets ko para makinig sa mga sinasabi niya. Nagpakilala na kaming lahat at marami yung pumalakpak kay Caz. Ang ganda ng accent niya kapag nag eenglish eh. Nasa kanya na lahat. Ang galing niya talaga. Ang perfect kaya crush ko yan eh.

Nag explain lang naman siya ng walang katapusang school rules and regulations. Alam ko naman na yun kasi nabasa ko na sa hand book.

Okay lang naman na mag-explain parin siya para sa mga classmates ko na tamad magbasa katulad na lang ng katabi ko. 'Di na nga nagbasa, di pa nakikinig. Nakikichismis pa sa isang katabi niya.

Ganito kasi formation ng seats sa row namin. Ako yung nasa aisle, katabi ko si Maxene, katabi niya si Corinne at sa tabi ni Corinne si Terrence Louie.

Nasa harap ko yung isang kaibigan ni Corinne, Janine ata pangalan tapos sa tabi niya si Lorene. Yung iba kong classmate, nakita ko lang sa list yung mga pangalan pero di ko kilala sa mukha. Well, lahat naman ng nandito, good looking. Lalo na sa section namin. Dapat talaga pasok ka sa qualifications para makapasa ka at ma-admit sa Grand Royal International Wisdom Academy.

Si Katsumi, nasa likod ko at sa gitna nakaupo. Walang tumatabi sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. Sa ganda niyang yun.

Ah basta, kakausapin ko siya mamaya. Diba sabay naman kaming maglalunch?

Nakinig na lang ako ulit at nagjot down ng mga important notes. Yung katabi ko naman, nagnenail polish na. Tss. Kung hindi lang sa sinabi sa akin ni Dad, hindi ko siya papakealaman eh. Pero syempre dapat mag-aral din siya diba?

"OUCHIE!!" sigaw niya. Wala naman akong ginagawa eh, inagaw ko lang yung nail polish niya. Tsk!! Kahit kailan, attention seeker talaga siya. Napatigil tuloy yung teacher namin at tumahimik yung lahat.

Nakakahiya naman. Kinagat ko na lang yung ngipin ko ng mariin. Naiirita na talaga ako. Kanina pa ubos yung pasensiya ko.

"Excuse me, miss Ocampo and Mr. Perez what are you doing?"

"Aba hindi mo po ba nakikita? Nakasalamin na nga po kayo tapos tinatanong mo pa. Magpa check up ka kaya ulit sa Optical Illusions. Che!!" Sagot niya. Nagsitawanan naman yung classmates namin.

Complicated Goddess [COMPLETED]Where stories live. Discover now