Chapter 2: Katsumi

7.3K 190 36
                                    

Katsumi's Point Of View

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

Katsumi's Point Of View

"Are you Sure na hindi na kita ihahatid sa loob ng school mo? Baka may mambastos sayo dyan, sobrang ganda pa naman ng little sister ko"

Mambastos? Naalala ko na naman tuloy yung mokong sa beach nung isang araw. Okay na sana eh, kaso argh! Sarap niyang sipain.

Rememberin niya mukha niya. Di ko siya kilala noh! Pati nga pangalan niya, 'di ko rin alam. Eh malay ko ba naman. Basta ang alam ko lang, familiar siya sa akin. Saan ko ba kasi siya unang nakita? Hay naku, nakakasakit sa ulo yung pag-iisip sa kanya.

"No need. I'm okay Kuya Dexter" I replied to him "Kaya ko na 'to and I'm not a kid anymore. I'm 16 years young!!"

"Hahaha whatever you say, Kat. I'll call you later. Bye!" Pinaandar na ni kuya yung kotse at nagdrive na papunta sa school niya. Sa dati kong school.

Andito na ako sa Grand Royal International Wisdom Academy. So ito pala yun. Ang pinakasikat na school sa lahat ng school. Ang school ng mga taong mayayaman.

Nasa gate pa lang ako pero kinakabahan na ko agad. Transferee kasi ako. Pero wala naman akong dapat ikakaba eh. Because gaya ni Pia, I'm confidently beautiful with a heart. And why did I transfer? Sasabihin ko din yun later.

This is my 4th year sa high school. Nag aral kami ni kuya dati sa Maxwell University. Maganda sana buhay ko dun eh. Lahat pwede kong mautusan.

I bet, marami na naman mabibigla sa taglay kong magic--- magic na kayang magpa inlove ng mga lalaki.

Hindi ako nanggagayuma ah? I told you, dyosa 'ko diba?

Haha okay, ang corny ko na. Ang yabang ng dating pero totoo naman yun.

Sabi na nga ba, tama ang hinala ko. Nasa hallway pa lang ako, lumilingon na agad sila saakin.

What would I expect?

Medyo natawa nga ako eh. May nasampal kasing boy nung girlfriend niya dahil sa pagdaan ko. I'm sorry boys at sorry din girls.

Nafifeel ko yung talim ng tingin niyo sa akin. I'm so sorry but I have to stay here. May business ako dito. Not literally business. Explain ko muna.

You see, I transferred here because of Terrence Louie Cortez. At sino naman siya? Siya lang naman yung tinutukoy kong 'Something Ugly' na nangyari sa beautiful life ko.

Well, hindi siya ugly. Truth is, isa siya sa pinakagwapo sa lahat ng lalaki na nakilala at nakita ko sa araw araw ng buhay ko.

Complicated Goddess [COMPLETED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin