Chapter 28: Louie

2.1K 80 3
                                    

Terrence Louie's Point Of View

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

Terrence Louie's Point Of View

"Pare dito bounce pass mo yung bola!"

"Sa akin na lang, Mart sa defense ka lang!!"

"Ipasa niyo na lang kay Louie para makathree points dali!"

"Bro, yung bola!"

"wooaaah, alley oop?!!'

Naglakad na ako papunta sa bleachers habang sila naglalaro parin. Kinuha ko yung face towel at nagpunas ng pawis. Dati si Zandy ang gumagawa nun. Hinihintay niya ako na matapos ang lahat ng practice ko at sinasamahan niya ako sa mga competitions. Pero dati yun. Sasabihin ko na sa kanya ang totoo pero bago yun, kailangan muna kaming magkaintindihan ni Corinne.

"LOUIE~!!" sabi ng isa kong kasama na tumatakbo papunta sa akin. Umupo naman siya sa tabi ko at inabutan ako ng bote ng mineral water. Kinuha ko iyon at uminom. Nakatingin parin ako sa mga naglalaro.

"Bakit ka umalis? Ang galing mo talaga, bro. Ang bilis nung crossover dribble mo, iba na talaga pag isa ka nang legendary athlete."

Sinuntok ko siya ng mahina sa balikat niya at napatawa na lang ako. Ganun ba talaga ang tingin nila sa akin? Aanhin ko naman ang lahat ng talent ko sa sports kung hindi ko naman makakasama si Zandy?

"Ahh wala. Baka kasi mapagalitan ako ni coach Paul kung lagi akong sasama sa inyong magpractice. Sabi kasi nun sa high jump lang ako magfocus ngayon. Semi Finals na sa sunod na araw."

"Oo nga naman bro, pero salamat sa game kanina ah? Enjoy talaga kapag nandun ka kasama namin. May thrill ang laban. Haha. Sige magpapractice na rin ako. Goodluck na lang sa atin."

Tumango na lang ako sa kanya at tumakbo na siya at nakilaro sa mga nagbabasketball. Naglakad ako sa labas ng gymnasium at pumunta sa harap ng pavilion kung saan nagpa-practice ang cheering squad ng school.

Breaktime nila nung dumating ako. Agad naman akong nakita ni Corinne at kumapit sa braso ko. Kinuha ko yung kamay niya at hinila siya papunta sa gilid ng school oval at pinaupo siya sa bench.

"Why Louie, you missed me that much?" sabi niya at hinila ako kaya napaupo na rin ako sa tabi niya. Kinalas ko naman agad yung kapit niya pero inilagay niya ulit at ipinatong yung ulo niya sa balikat ko.


"Corinne, I need to talk to you about something."

"Hmm? You're saying something ba?"

Hindi pa nga ako nakakasagot sa sinabi niya, hinila niya na ako sa kanya at hinalikan ako. Pilit kong inaalis pero sobrang lakas ng kapit niya. Ilang segundo ang lumipas at naitulak ko siya.

Complicated Goddess [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang