Chapter 46: Katsumi

1.2K 50 3
                                    

Katsumi's Point Of View

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Katsumi's Point Of View

Magkahawak kamay kami ni Zedrick habang kasalukuyang naglalakad sa mall. Halos tilian nga ang mga babaeng nadadaanan namin at alam kong hanggang tingin na lang talaga sila kay Zed.

Pupuntahan daw niya kasi yung bagong branch ng Closet's Best. Photoshoot niya para sa posters na ifi-feature nila sa branch na yun. Syempre dahil gusto niyang kasama ako kahit gabi na, bilang mabait na girlfriend, sinamahan ko na lang siya.

Sabagay, tinulungan niya naman ako na makatakas sa mga nag iinterview at inaamin ko, sobrang na-appreciate ko yung efforts niya kanina na kantahan ako at magluto dahil alam niyang gutom ako although ayun, nasunog yung pagkain.

Alas-otso na ng gabi at alam kong nag-aalala na si kuya sa akin lalo na nang malaman niya na pinaghahabol ako ng media dahil kay Dylan. Pero bakit kaya hanggang ngayon wala paring tawag si kuya? Edi sana itinext niya na ako kanina pa at nag transform into pari na naman para sermonan ako.

Bumalik ako sa realidad nang huminto kami sa tapat ng isang boutique. Nagpaalam ako kay Zedrick para pumunta muna sa restroom kaya dumeretso na din siya at kinausap yung parang manager ata yun.

Nag-ayos lang ako ng kaunti at lumabas na rin ng restroom. Napadaan ako sa cinema at nakita kong bumibili ng pop corn si kuya Neil. Lalapit sana ako para mag 'hi' sa kapatid ni Zedrick, Yun nga lang...

Bumalik siya sa pilahan at pinuntahan niya si Ate Raine na kapatid ng bestfriend kong si Earl at masaya silang dalawa na nagsusubuan ng popcorn habang papasok sa sinehan.

Di kaya...

Sabi ko na nga ba eh, tama pala yung kutob ko na parang ayaw ni ate Raine kay kuya Dexter. Kasi sinagot niya na pala yung kuya ni Zedrick. How ironic!

Tsk! Kawawa naman si kuya. Sabi ko naman kasi sa kanya na huwag nang ipagsiksikan pa yung sarili niya pero ipinilit niya parin. Ako tuloy yung mas nasasaktan para sa kanya. Marami pa kayang babae dyan na patay na patay sa kagwapuhan ni kuya! Kailangan niya lang na alisin ang focus ng mata niya kay ate Raine.

Bakit kasi ganun ka-loyal yung kuya ko? Dalawang taon na siyang naghahabol at hindi siya umayaw na ligawan si ate Raine pero nauwi lang sa wala. Feeling ko tuloy kaya hindi siya sakin nagtanong kung nasaan ako ngayon ay dahil na nga rito. Baka nagmumukmok na yun sa kwarto niya, wala pa naman si kuya Riley para i-comfort siya. Hirap naman ng buhay, napaka-complicated.

Papasok na sana ako sa loob ng boutique pero may nakita akong isang babaeng sexy, matangkad, maputi at kulay ombre yung buhok na pinaghalong blonde at brown at may side swept bangs. Unang tingin pa lang, matutukoy mong may halo siyang chinese dahil sa singkit niyang mga mata at kung makakapit sa braso ni Zed parang ahas.

Complicated Goddess [COMPLETED]Where stories live. Discover now