Chapter 14: Dylan

2.9K 131 5
                                    

Dylan Ezekiel's Point Of View

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dylan Ezekiel's Point Of View

Hindi ko ini-expect na mapapaaga pala ako ng pasok. Akala ko kasi mamayang hapon pa ako makakapunta dito eh pero beaktime pa lang nila ngayon, nandito na ako.

Tsaka malay ko naman kung magkakasalubong kami dito ng hinahanap kong leading lady. May naisip na sana akong babae eh pero di ko alam kung makikita ko pa siya. Saglit lang naman kasi kami nagkita noon.

Buti naman at wala pa sa aking nakakapansin. Hindi pa kasi sila informed na dito na ako papasok. Dahil kung nagkataon man, syempre magkukumpulan sila sa harap ko ngayon. Expected ko na yun.

Isinuot ko na yung headphone ko at kasalukuyang pa-cool na naglalakad sa hallway. Nagtanong naman ako sa Dean kaya alam ko kung saan ako pupunta at kung ano ang section ko.

Blue Diamond, Section A.

Syempre dumeretso agad ako sa cafeteria. Gutom na ako eh. Di pa man din ako nakakain ng breakfast kanina at talagang nakakagutom yung nangyari sa airport.

Naisip ko na naman tuloy yung magnanakaw na yun na parang ewan. Hindi ko alam kung pinagtitripan lang ako nun o kung ano. Ay ewan, bahala siya basta ako kakain.

Nag-ring na yung bell bago pa ako makarating sa cafeteria. Mas mabuti nga yun. Mapapadali ang pagbili ko ng pagkain. Iwas pila tsaka iwas fans.

Bumili lang ako ng probiotic drink at ham sandwich. Late na kasi ako, kanina pa nagbell.

"Wait lang po!" Paalis na lang ako pero tinawag ako nung manang sa cashier.

"Sukli niyo" Akala ko pa naman magpapa autograph.

"Keep the change" sabi ko at nagpatuloy na sa paglakad.

Nasa third floor na ako ngayon at naghahanap ng classroom ko. May narinig akong ingay mula sa kabilang dulo ng hallway. Marami ring students ang tumatakbo papunta dun. May halong patili tili pa at halatang kinikilig sila. Ano naman kayang meron dun? Time na diba? Kanina pa.

"Tara bilisan natin nakita na raw nila si Kyle Zedrick!" Rinig ko sa babaeng tumatakbo papunta dun.

"First time yun ah. Teka lang, yung phone ko nasaan na ba? Kung kailan kailangan, tsaka nawawala."

Wow ha. Grabe talaga yung bestfriend ko. Habulin parin ng babae. Sorry kayo, hindi yun interasado sa inyo.

Hindi ba sila natatakot sa famous icy stare niya na? Ako nga natakot ako sa kanya nung una ko siyang nakita eh. Yung para kang nafrozen sa kinatatayuan mo? Ha! Pero ngayon di na ko tinatablahan nung titig niya na yun. Sanay na eh.

Oo. Bestfriend ko siya. Si Kyle Zedrick Lim. Yung patay na patay sa kababata niya na hindi ko alam kung nahanap niya na ba o ano. Lagi niyang ikinukwento sakin eh. Dati ang tahimik niyan. Yung hindi man lang umimik. Pero nagdadaldal dahil sa kababata na yun. Lakas ng tama. Sa kakakwento niya nga, parang naffall na ako sa description ng babae na yun.

Complicated Goddess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon