Chapter 37: Katsumi

2K 74 5
                                    

Katsumi's Point Of View

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Katsumi's Point Of View

"Katsumi hindi ka ba magpapahatid sa gwapo mong kuya?"

I just rolled my eyes and went down the stairs. Ni hindi ko man lang siya tiningnan. Feeler talaga ang kuya ko. I admit na gwapo nga siya pero mahangin lang talaga. I wonder kung bakit hindi siya sinagot ni ate Raine which I recently found out na older sister pala ni Earl. What a coincidence!

Anyway, ayoko munang problemahin si kuya. Punong puno pa ang utak ko ngayon at sumasakit ang ulo ko. Huwag na sana niyang dagdagan pa. I have 99 problems and he won't be one... ay teka, parang lyrics na ata pinagsasasabi ko.

Medyo marami na rin kasing pag amin na nangyari pero naguguluhan parin ako. Ano na nga ba kami ni Zedrick? Hindi na siya nagpapakita sa akin magmula noong nakasama ko si Dylan sa resort nila.

Two weeks? Three weeks? Hindi na rin siya pumapasok sa school. Kahit message man lang, tawag, o chat wala din. Ano na kayang nangyari sa kanya? Kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin.

Kung kailan naman kasi na naging malinaw pa sa sikat ng araw na sigurado na akong may gusto ako sa kanya, tsaka naman siya hindi magpapakita.

Dumeretso na ako sa labas ng bahay. Wala na rin pala si kuya Riley. Maaga na naman siyang umalis as usual. Hindi katulad ng kuya ko na pati ba naman sa paglabas ko ng gate, nakabuntot parin sa akin. Ano siya, aso?

"Kuya diba may kotse ka? Huwag mo naman sabihin na maglalakad ka papunta sa school? You hate walking nga diba?"

"May paa ako, Kat. I know how to walk, and besides, It's time for a change"

Sus. If I know, hindi parin siya maka get over sa unrequited love drama niya.

I rolled my eyes once again at nilagpasan ko siya.

"Change is coming na nga talaga" I smirked and walked again.

"Katsumi teka nga!!" Hinabol niya ako at pumwesto sa harap ko.

"Hoy ikaw, bakit marami nang nagtetext sa akin na lalaki ah? As long as I remember, si Riley lang, ikaw at si Raine ang may alam ng number ko..." tapos binilang pa niya yun sa daliri niya. "Bibili na naman tuloy ako ng bagong sim card. Bakit kasi number ko ang ibinibigay mo sa mga lalaking umaaligid sayo?"

Ayan na naman siya at sinermonan na naman ako. May balak kaya siyang mag pari?

Ayoko naman kasing ibigay number ko. Hindi naman ako yung tipo na nakikipagtext sa random guys. Kapag nakukulitan naman ako dahil hingi sila ng hingi ng number, yung kay kuya ang ibinibigay ko. Ayun, tuwang tuwa naman sila at paniwalang paniwala na nakuha nga nila ang precious number ko.

Tinawanan ko na lang si kuya. At nag pout pa talaga sa harap ko? Di naman yun gumagana sa akin. Ew kaya.

Napalingon ako sa bumusina na pulang kotse na papalapit sa direksiyon namin. Huminto ito at ibinaba yung bintana. Buti na lang good timing ang pagdating niya. I stuck my tongue out and waved at him. Bhelat! Dali dali na akong pumasok sa loob ng kotse. Makakatakas ako kay kuya this time.

Complicated Goddess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon