Chapter 36: Earl

2.2K 72 1
                                    

Earl Joshua's Point Of View

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Earl Joshua's Point Of View

Umalis na rin ako pagkatapos nun. Pupuntahan ko pa pala si Maxene. Kailangan ko siyang turuan nung lesson namin. Tsk! Di man lang kasi nagreview.

Sumakay na ako sa kotse at hindi ko pa nga ito pinapaandar, tumawag na agad siya.

[Joshuaa!!!] Medyo inilayo ko yung cellphone sa tenga ko. Ayoko namang mabingi dahil sa lakas ng boses niya.

"Oh, napatawag ka? Papunta na ako diyan. Basahin mo muna yung chapter 1-3 yan yung coverage ng monthly exam natin. Pag may hindi ka naintidihan, yun na lang ituturo ko. Grabe naman kung pati pagbasa hindi ka pa marunong?"

[Hoy!! Excuse me lang ho, Earl Joshua Perez, fetus pa lang ako, marunong na ako ng ABC kaya huwag mo ako dyan! Hmp!!]

"Ahh talaga? Pano yan? Nung fetus ako eh marunong na ako ng trigonometry, statistics, geometry, advanced physics at algebra"

[Edi ikaw na ang genius!! Bilhan mo na nga lang ako ng eraser bago ka pumunta dito... Kailangan ko kasi para sa artwork ko]

"Pikon ka?"

[Di ah!! Sige na. Bye]

Napatawa na lang ako sa babae na yun. Nakakatuwa lang kapag naasar ko siya... teka, napatawa ba talaga ako dahil sa kanya? First time ba yun?

At sinunod ko naman siya. Buti na lang at kahit tamad mag aral si Maxene, may talent naman siya sa pagd-drawing. Yun lang ang bagay na common sa aming dalawa kaya yun lang ang dahilan kung bakit nagkakasundo kami minsan. Pag tinuturuan ko naman kasi siya, hay ewan, tumataas ang blood pressure ko kapag kasama ko siya.

Ipinark ko yung kotse sa gilid ng... ano ba tawag dito? Basta para siyang sari-sari store na puno ng school supplies. Yun na yun. Dito lang kasi ang pinakamalapit na bilihan. Alanganin naman na pumunta pa ako sa NBS para lang sa isang eraser?

"Pabili nga po ng eraser." sabi ko doon sa matabang babae a kumikinang yung mga mata.

"Teka lang cute ah?"

"Okay lang sanay naman na akong---"

"Maghintay?"

"Hahaha hindi po. Yung masabihan ng cute"

"Ah. Oo talaga cutie. Teka lang ah, anong eraser ba? Faber Castle? HBW? UNI?"

"Ballpen po ata tinutukoy niyo? Eraser po ang kailangan ko"

Complicated Goddess [COMPLETED]Where stories live. Discover now