Chapter 7: Louie

4.1K 151 18
                                    

Terrence Louie's Point Of View

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Terrence Louie's Point Of View

Break time namin. Kanina ko pa gustong kausapin si Zandy. That moment na nakita ko siya sa harap ng hagdan habang nakasandal ako sa pinto, Hinding hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya.

Alam kong umiyak siya dahil sa akin. Shit naman. Ang ayoko sa lahat ay yung makita siya na umiiyak. Higit pa roon, ayoko rin sa lahat ang makita siya na may ibang kausap na lalaki.

Pucha naman oh. Sarap suntukin ng kasama niya eh. Hinawakan pa kamay ni Zandy. Naalala ko tuloy, I used to hold that soft hand. Sana ako yan eh. Ako dapat ang kaholding hands niya ngayon.

Kilala ko naman na kung sino siya kahit transferee pa lang. Yung fiancé ni Maxene Ocampo. Bakit niya kasama si Zandy?

Just by looking at him, alam ko na may pagtingin din siya kay Zandy. Lalaki ako kaya alam ko yan. Tsaka sino ba naman ang 'di magkakagusto sa kanya?

Nakakabigla na nagtransfer siya rito pero masaya ako dahil makikita ko na siya ulit. Hindi ko nga alam kung bakit siya nagtransfer. Alam ko na maganda naman ang buhay niya sa Maxwell eh. Siguro may reason naman siya.

Isang taon na ang nakalilipas magmula nung gumawa ako ng isang desisyon. Desisyon na makakasira sa aming dalawa. Desisyon para protektahan siya.

Katsumi and I were almost a perfect couple back then. Kahit 5 months lang ang inabot ng relationship namin, siya naman ang pinakamatagal kong niligawan.

Imagine that? One freakin' year. Mas matagal pa sa relationship namin.

Parati kaming masaya at magkasama na parang wala nang bukas. Ayaw kong mahiwalay kami sa isa't isa. Marami kaming memories as a couple. To tell you the truth, Ako ang first boyfriend ni Zandy. 

One day, nabago ang lahat. Corinne, my ex girlfriend ruined our relationship. Akala ko dati, mabait siya at mabuting tao. Maganda siya at akala mo sa unang tingin, magaang kasama kaya nagustuhan ko siya nun. But I was all wrong.

Na fall ako at naging kami. Once na tumagal na magkasama na kami, nakilala ko ang tunay niyang ugali. Nalaman kong may topak ang utak niya and that made her life miserable kaya naging mean girl siya.

3rd monthsary sana namin noon ni Zandy. Well supposedly, nang magsimula ang isang masamang panaginip.

Doon nawasak ang relasyon naming dalawa. Narinig kong may masama palang balak na gawin si Corinne kay Katsumi at kapag hindi ko siya sinunod, Ipapapatay niya raw si Zandy, o kaya naman, mag susuicide siya at ipapalabas na ako ang murderer. She is unstoppable!

Nung araw na iyon, napanghinaan ako ng loob. And I have no choice. Ginawa ko ang masakit at labag sa kalooban ko. Nag-agree ako sa gusto niyang mangyari.

"Corinne, gagawin ko ang lahat pero sana di na 'to makarating kay katsumi"

"Lahat? you mean, everything I ask for?"

"Oo lahat!! basta hindi masaktan si katsumi at hindi siya mapahamak! Mahal ko siya Corinne, mahal na mahal. Kaya kong mag sakripisyo para sa kanya."

"Okay then, break up with her and be mine. It's very simple isn't it?"

"Pero....."

"Ayaw mo? Fine, let's just see what will hapen to your lovey dovey. Do you want to see her dead? It's your choice Louie, break up with her or loose her... Forever?"

Tss. Pareho lang naman yung option. Pareho lang na mawawala sa tabi ko si katsumi. No choice ako. I will blame myself for doing this..

"Fine. I will do it!...for the sake of katsumi."

"You did a great choice Louie. You're mine again."

"Ginawa ko na ang gusto mo pero sana di na 'to malaman ni Katsumi. Lalayuan ko na siya katulad ng sinabi mo, Just to tell you honestly, I did this for her, Don't assume that I will love you again just the same way as the last time."

Niyakap niya ako noon and she kissed me. Noong araw na iyon, gumuho ang mundo ko. Kung kailan masaya na kami, nasira pa ang lahat. Hindi ako makapalag dahil sa threat niya.

Di ko alam kung ano talaga ang gagawin ko. Mangiyak ngiyak na ko noon. Parang nawasak yung puso ko. Yun bang dinurog ng martilyo. Shit, ang sakit. Wala na ang pangarap ko para sa aming dalawa. Sobrang bilis ng mga pangyayari.

Matutulog pa lang ako nun thinking na monthsary naming dalawa and the following day, hindi ko inaasahan na bago ulit ako matutulog, wala na ang lahat. Parang isang hangin lang na mabilis dumaan.

Sinisisi ko ang sarili ko. Wala man lang akong nagawa. Wala akong choice. Kilala ko ang ugali ni Corinne. Lahat ng gusto niya, Nakukuha niya. Pero wala akong regret sa ginawa ko. Dahil alam kong para iyon kay Zandy. Para yun sa babaeng mahal ko hanggang ngayon.

That day, Alam kong nandun sa scene na yun si Zandy. Dahil nakapulot ako ng sulat sa grass area nung park kung saan sana kami magtatagpo. Galing yun sa kanya. Katabi nun yung regalo niya sa akin. Yung babaeng version ni Baymax? Hindi kasi ako nun naniniwala sa kanya na may ganun. Natuwa nga ako nung nakita ko iyon. Nakalagay sa letter na couple bear daw yun at itinago niya yung isa. Nasa kanya pa kaya yun hanggang ngayon? Itinapon niya na kaya?

Kung alam mo lang Zandy. Mahal na mahal na mahal na mahal parin kita. Sorry dahil iniwan kita na hindi mo alam kung ano ang dahilan. Hindi man lang ako nakapagpaliwanag. Sinaktan kita kahit ayaw ko. Sorry talaga, kailangan kitang protektahan.

Para akong isang ibon na nakawala sa hawla ngayon. Kanina kasi hindi ko man lang siya nakausap. Binabantayan ako ni Corinne at ayaw niya na lapitan ko si Zandy.

Pero I grabbed this opportunity. Gustong gusto ko siyang makausap. Hindi ko alam kung anong papel ng Joshua na yun sa buhay ni Katsumi pero hindi ako magpapatalo sa kanya. Kalat na sa school last year pa na Fiancé siya ni Maxene.

Ewan ko na lang kung makakagawa pa siya ng moves para kay Zandy. Hindi ko sila hahayaan dahil mahal ko parin siya.

Nagpapasalamat lang naman ako sa kanya dahil binigyan niya ako ng chance para makapagpaliwanag kay Zandy. Alam kong pipigilan sana niya ako kanina.

Nararamdaman ko rin na may konting gusto pa sa akin si Zandy at isang wrong move ko na lang, maaagaw na siya ng ibang lalaki.

Knowing her, marami sa kanyang may gusto. Isa ata sa ayokong mangayari ay yung mawala na siya sa akin nang tuluyan.

Kailangan ko na talaga siyang makausap at sisiguraduhin ko rin na itatama ko na ang lahat ng nagawa kong mali. I badly want her back to me,

where she belongs.

♡♡♡

♡♡♡

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Complicated Goddess [COMPLETED]Where stories live. Discover now