Chapter 40: Katsumi

1.7K 69 3
                                    

Katsumi's Point of View

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Katsumi's Point of View

Dinala niya ako sa mini restaurant na kaharap lang ng beach. Pero in fairness ah, ang ganda ng napili niyang pwesto. Tanaw na tanaw ang napakagandang dagat na kulay blue green. Medyo pagabi na rin kaya makikita mo ang sunset dito. Romantic, right? Pero bakit parang kami lang tao dito?

"I rented this place for tonight" Nagsmile siya sa akin. Okay. Nabasa niya yung iniisip ko.

Halos hindi na nga siya nakakakain dahil puro titig lang ang ginagawa sa akin. Ano yun, baka ako ang kinakain niya sa isip niya? What? Umiling ako. Argh! Bad thoughts, umalis ka sa isip ko!!

Ayan. Nag smile na naman tuloy siya. Hindi parin ako sanay na ang dami niyang ngiti sa araw na 'to. Nahalata niya na parang naiilang ako at tumigil sa pagkain. Eh paano, hindi niya talaga inaalis ang tingin niya sa mukha ko!

"It's because I didn't see your face for a few weeks. I kinda missed looking at you like this." sinamahan niya pa yun ng kindat.

Minsan lang yan magsalita pero once na bumukas ang bibig niya, siguradong mabibigla ka na lang. Laging unexpected at straight forward talaga. Isama mo pa na kumindat siya! Shet, ang gwapo ng boyfriend mo, Katsumi!!

Hindi ko naman akalain na namiss niya pala ako. Akala ko nagsasaya siya at nagbabakasyon sa ibang bansa habang lugmok na lugmok na ako sa kaiisip kung ano nga ba talaga kami. Bakit kasi ang complicated ng buhay ko?

Kailangan ko talagang magpasalamat kay Dylan. Dahil kung hindi dahil sa kanya, siguro hindi ko alam kung nasaan na pumunta si Zedrick at nag-alala talaga ako dahil hindi na siya pumapasok ng three weeks na yun. Akala ko nga nag drop out na siya. Pero pwede ba yun? Mag drop siya sa sarili nilang school?

"Nag bakasyon si Zed sa Spain ng three weeks Katsumi. May inasekaso siyang gulo ng kapatid niya, and I think he'll be at the airport a few minutes from now. Go Katsumi... He's waiting"

Speaking of kapatid, Yun ba yung sinasabi ni kuya Dexter na bestfriend niya dati? Si Kuya Neil ba yun? Di ko alam! Hindi naman kasi kami nun close. Pumupunta lang ako para makipaglaro kay Kyle, tsaka tatlong beses ko lang ata yun na nakita sa bahay nila. Sa school kasi sila ni kuya madalas magkasama.

Itatanong ko na lang sana kay Zedrick yung about sa gulo ng kapatid niya pero biglang nag ring yung phone niya na nasa table.

Yung dad niya tumawag. Hindi ko naman sinasadya na makita. Malapit lang naman kasi sa akin tapos nagring at nagvibrate tapos nagflash yung screen tsaka syempre magkaharap kami ni Zedrick kaya nakita ko yung pangalan nung caller.

"Excuse me for a while" sabi niya at ngumiti saakin. Kinuha niya na yung cellphone niya at lumabas sandali para kausapin yung tumawag sa kanya. Siguro importante yun or baka about sa business nila kaya hinayaan ko na lang.

Ilang minuto akong naghintay. Gabi na nga. Tapos na rin yung sunset. Sayang hindi niya yun nakita. Ang tagal naman nung tawag na yun... or baka iniwan niya ako dito? Bigla tuloy akong kinabahan.

Complicated Goddess [COMPLETED]Where stories live. Discover now