Chapter 53: Earl

884 31 1
                                    

Earl Joshua' s Point Of View

Kailangan ko pang mag-aral para sa semi finals namin. Eh paano, bumagsak yung group project namin nung semestral break. Tsk! after ng foundation yung submission nun pero hindi kami nakaabot sa deadline. Kailangan tuloy namin ng extra exam.

Bakit pa kasi movie making pa nabunot nung group namin? Ang malas naman! Buti pa yung group nila Caz at ng pinsan kong si Dylan, movie review lang, tapos yung grupo naman nila Louie at Corinne, drawing lang. Madali lang yun gawin para sakin.

To think na kagrupo pa namin si Kyle, akala ko makakataas kami ng points kasi nga favorable ang appearance niya as male lead pero siya mismo ang sumira ng shooting. Ano ba kasi yan? Hindi namin balak mag artista tapos ganito pa mga project namin. Kabadtrip naman!

"Alam mo sweetie pie, grades lang yun noh? Hindi mo ikamamatay!"

Napalingon ako kay Maxene na kadadating lang. Kanina ko pa siya hinihintay. Sabay kaming magrereview eh. Buti nga nagbago na yan. Studious na rin gaya ko.

"Tagal mo naman. Upo ka na nga sa tabi ko" iinusog ko yung upuan sa tabi ko at binigyan ko siya ng libro.

"Grabe ka, ilang araw na lang pasko na, nagrereview parin tayo, wala man lang outing. Tsk! christmas vacation pa naman."

"Eh kailangan natin 'to eh. Bagsak yung movie natin. Sobrang critic pa naman ng subject teacher na yun pag project na ang pinag uusapan."

"Yung director kasi natin, akala ko marunong siya, nagmamarunong lang pala, dapat ikaw na lang nag direct nun!"

"Busy ako nun sa mga booth eh kasama yung student council officers" 

"Kahit na. Edi sana mas maganda kinalabasan nun"

"Narinig ko nga na kinausap siya ni Mei para maging partners sila ni Kyle"

"Isa pa yung transferee na yun eh! Wala naman siyang acting skills. Puro kalandian sa buhay ang alam niya. Nakasira pa siya sa scene. Gusto ko siyang sampalin dun in behalf of Katsumi"

"Naku buti na lang napigilan mo. Malakas ka pa naman manampal. Pero grabe, nanghihinayang talaga ako sa grades natin"

"Ako din naman eh kasi first time  ko yun. Pero okay lang yun sweetie, at least magkasama parin tayong bumagsak. Together we stand, together we fall"

"Baliw! together we fail kamo"

"Tsk! Divided we fall tunay na lyrics nun. Kanta namin yun nung graduation nung kinder. Memorized ko pa"

"Oo na ikaw na ang magaling, para pinalitan ko lang naman yung lyrics kasi bagsak tayo"

"Tara na, magreview na nga tayo. Magpipinta pa ako later eh"

"Pinta ng ano? Tulungan na kita?" Alam niya naman na mahilig din ako sa arts eh.

"Tutulungan mo ako promise?"

"Oo nga promise. Ano nga kasi yan?"

"Kuko ko. Nail polish, magpipinta ng kuko"

"Nevermind" sabay tingin ko ulit sa librong binabasa ko

"Nagpromise ka sakin eh"

"Promises are meant to be broken, Maxene. Kaya nga di ako nag promise na mamahalin kita"

"Iiih ikaw talaga. Sige na nga! Saan na yung pre calculus na libro?"

"Yan good girl"

**

Naalala ko noon, yung mukha ni Caz, pulang pula na ang mata habang magkukwento saakin tungkol kay Kyle. Wala man lang akong nagawa dahil hindi ako ang pwedeng magsabi sa kanya ng totoong nangyari.

Complicated Goddess [COMPLETED]Where stories live. Discover now