Chapter 51: Katsumi

1.4K 53 10
                                    

Katsumi's Point Of View

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Katsumi's Point Of View

"Nananaginip ng gising, nakatulala sa hangin..."  Lumingon ako para tingnan nang masama yung taong kumakanta sa likod ko. Nang aasar kasi.

"Janine naman eh! Tama na nga yan" sabi ng kapatid nito at naglakad na sila papunta sa pwesto ko.

Oo nga naman. Kanina pa ako nakatulala sa isang painting dito sa art exhibit nila Maxene. Isang painting ng sunset sa gitna ng umaalon na karagatan.

Tatlong araw na rin ang nakalipas simula nung mahulog ako sa swimming pool. Tatlong araw na rin na hindi kami magkasama ni Zedrick, kung magkasalubong naman kami, iniiwasan niya ako. Hindi ko nga alam kung anong problema niya sa akin.

Lagi na ngang si Dylan kasama ko simula noon. Galit siya sa nangyari. Galit siya sa bestfriend niya. Galit din siya kay Mei. Magkakilala nga pala talaga sila. Nakifling nga raw yun dati sa kanya pero ayaw naman ni Dylan na dinidikitan siya ng ibang babae, kaya ayun, naghanap ng bagong target---which is unfortunately, yung model partner niya na kasalukuyang boyfriend ko na parang hindi na. Bakit napaka complicated ng buhay ko?

Parang siya na nga ang gumaganap sa role ni Zedrick bilang boyfriend ko. Inaamin ko rin na sobrang naaappreciate ko yung ginagawa niyang efforts. Pero iba parin yun kung si Zedric yun.

Hindi ko nga alam kung sinong sumagip sa akin that time. Hindi ko alam pero may kutob ako na si Dylan o kaya si Louie. Basta nagising na lang ako nun na nasa kwarto ko, at sila lang naman ang pwedeng maghatid sa akin sa bahay namin. Hindi naman pwede si Earl kasi sobrang busy. Hindi ko naman inaasahan na si Zedrick yun kasi umalis siya pagkatapos niyang sagipin yung kunyaring nalulunod na intsik.

Tinanong ko rin si kuya kung sinong humatid sa akin sa bahay nung araw na yun pero hindi niya raw alam. Nagalit din nga si kuya kay Mei at Zedrick. Hindi ko maexplain yung mukha niya nun na parang gustong lumunok ng tao.

Grabe kasi kung mag-alala si kuya sa akin. Kinuwento na rin niya sa akin kung bakit ayaw niyang pumupunta sa beach. Nung bata pa raw kasi kami, nahulog ako sa bangka nung nag island hopping kami. Natrauma nun si kuya kaya ayaw niya nang mag-beach, kahit nga sa swimming class nila, nag ka-cutting siya. Kaya pala nung pagdating ko sa bahay after pumunta sa beach nila Zedrick, hindi niya ako pinapansin. Ang tigas daw kasi ng ulo ko. Pinaka-hate niya sa lahat ang pumunta sa kahit na ano mang dagat kahit pa yan sobrang ganda ng view.

Baka mas lalong hindi na ako palapitin ni kuya kay Zedrick. Si manang naman, namamalengke noon kaya hindi niya rin alam.

Pero kung sino man yung nagligtas sa akin, nagpapasalamat talaga ako ng sobra, dahil kung hindi sa kanya, baka nasa hospital na ako ngayon.

Complicated Goddess [COMPLETED]Where stories live. Discover now