Chapter 11: Kyle

3.4K 159 25
                                    

Kyle Zedrick's Point Of View

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kyle Zedrick's Point Of View

I feel like I'm going to go downstairs just this once, for her.

Tiningnan ko muna yung screen ng monitor kung nasaan na siya. Tamang tama hindi pa siya masyadong nakakalayo.

I grabbed my nerdy glasses plus the blue bonnet and put it on so that they won't recognize me. Enough with the fashion sense, I just don't want to be on the spotlight again.

Bumaba na ako. Buti na lang at nag-ring na yung bell. Wala nang masyadong student na naliligaw ng landas sa teritoryo ko.

Araw-araw kasi may nagtatangkang pumunta sa may malapit ng hagdan papunta sa rooftop pero hindi lang naman sila nakakatuloy. May mga guard naman kasing naka assign sa area na 'to.

Ayoko kasi ng maraming tao. Nakakasawa sila. Ako na lang lagi ang pinagkakaguluhan nila. Marami namang nagkalat na gwapo diyan, pero ako parin habol nila. Di ba nila alam na umiiwas ako kaya minsan lang ako magpakita?

Tsaka ewan, wala akong kaibigan dito sa school. Suplado raw ako. Edi wag. Hindi ko naman sila pinipilit na makipagkaibigan sakin eh.

And one more thing, kahit na anong gawin nila, superior ako kaya lahat ng students dito, kahit labag sa kaloob-looban ng internal organs nila, susundin parin nila ako.

Teka, may super power ba yung babae na yun? Parang si the flash lang eh. Kanina nandito pa lang yun tapos biglang nawala. Aba, magaling, Nag-magic.

Papunta na yun sa classroom panigurado. Susundan ko ba siya?

Medyo marami pa yung students na pabalik na sa kanya-kanyang classrooms. Baka may makapansin sa akin. Huwag na nga lang.

Babalik na sana ako sa rooftop nang bigla ko siyang nakita. Tumatakbo pabalik sa room.

Nakarating na ako dito eh, might as well ipagpatuloy ko na nga lang yung gagawin ko bago pa man may makakita sa akin dito.

Tumakbo na rin ako para maabutan ko siya. Hinawakan ko na yung braso niya para mahila pero walang pang ilang segundo, itinaas niya yung kamay niya at inalis yung pagkakahawak ko.

Shit! Natamaan yung blue na bonnet at yung nerdy glasses na suot ko kaya nahulog yun at exposed na ako ngayon sa lahat. Tss.

"Woah, It's Kyle Zedrick Lim!!"

"Am I dreaming? Girl, gisingin mo ko dali! Siya ba talaga yan? First time ko siyang makita sa personal!"

"Eh kung sampalin kaya kita dyan! Siya yan." Tapos sinampal niya yung kausap niya. Patawa.

"Omg, siya nga!"

Ay hindi ako 'to. Naghahallucinate lang kayo. Hologram lang ito.

Nananaginip lang kayo nang gising. Oh that's right, hanggang panaginip niyo lang pala ako. Hinding hindi ako mapapasainyo. Nakita na nga ako, nagtatanong pa. Tss. Kabadtrip naman.

Complicated Goddess [COMPLETED]Where stories live. Discover now