Chapter 42: Katsumi

1.3K 52 3
                                    

Katsumi's Point Of View

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

Katsumi's Point Of View

"Back off dude, she's mine.."

Akala ko si Zedrick ang magsasabi noon. Akala ko si Zedrick ang may karapatan para gumawa man lang ng paraan na makatakas ako sa sitwasyon na ito. But who am I kidding? Tama nga ako. Akala ko lang pala talaga ang lahat ng iyon.

"She's mine... as for now."

After Dylan said those words, ngumisi lang si Zedrick na para bang wala siyang pakialam. Masakit. Sobrang sakit.

Pagkatapos niya akong pakiligin ng isang araw--no, let me rephrase that---four hours to be exact, at pagkatapos niya akong iwan sa ere na na expect na lalabas siya out of nowhere para isurprise ako kasabay nung fireworks display, wala eh, ngumisi lang siya when his bestfriend claimed me as his girl. Ni hindi man lang siya nagdalawang isip na maglakad palayo at hindi rin siya lumingon sa amin ni Dylan.

Akala ko nga babalikan niya ako doon pero hindi eh. Ni anino niya, walang bumalik! Umasa na naman ako. Ang sakit talaga. Para namang sinaksak ako nang paulit ulit. Mangiyak ngiyak na ako at lahat lahat pero hindi niya ako binalikan doon. Naguguluhan lang ako kung ano lang ba talaga ako sa buhay niya. I mean, he always give me those mixed signals.

Sumama na lang ako kay Dylan sa condo unit niya para puntahan yung manager niya. Si Dylan na rin kasi mismo ang nagsabi na aayusin niya ang lahat ng ito. May tiwala naman ako sa kanya kaya sa tingin ko alam niya ang solusyon.

Kung kailan naman kasi kailangang kailangan ko si Zedrick para icomfort man lang ako at tulungan ako ngayon, tsaka naman siya naging ganun. Ewan ko nga ba! Ano ba kasing nangyari nung araw na yun? Bigla tuloy akong nacurious kung anong pinag usapan nila ng Dad niya.

"Here..." inabot ni Dylan sa akin yung pineapple juice pero nakatulala parin ako at hindi ko man lang siya tiningnan kaya inilagay niya na lang yun sa round table na nasa harap ko. Umupo na lang siya sa couch na nasa gild ko.

Bumukas yung pinto at bumalik na yung manager ni Dylan na pawis na pawis na para bang kagagaling lang sa marathon.

Umalis kasi siya kanina dahil tinawagan siya nung entertainment company ni Dylan. Siguro may plano na sila para icover up yung issue. Napatingin sa akin yung manager niya. Nagsmile na lang ako at umupo na rin siya sa sofa.

"So what's their plan?" casual lang na sabi ni Dylan. Parang hindi siya kabado na kalat na kalat na yung issue namin. I mean he's cool with the trending news about us. May concert pa naman siya mamayang gabi.

"Bago natin pag-usapan yun, Ezekiel, umalis na kaya muna tayo dito? Papunta na rito yung mga reporters sa condo unit mo!" Sabi nung manager niya na nakatingin sa screen ng cellphone nito na may binabasang text message.

Complicated Goddess [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن