Chapter 13: Dylan

3.4K 124 10
                                    

Dylan Ezekiel's Point Of View

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Dylan Ezekiel's Point Of View

"Sir, excuse me po. Kanina pa po tayo nakarating sa airport. Sir, wake up!"

Binuksan ko ang mata ko at tiningnan yung flight attendant na gumising sa akin, na kung yumugyog naman akala mo gumigising na ng patay at akalain niyo yun? Natulala siya nung tinitigan ko. Inalis ko na kasi yung libro na nakatakip sa mukha ko. Kanina kasi, mata ko lang yung nakikita este, shades ko pala.

Nakakabadtrip naman kasi. Pinasolo pa akong umuwi dito. Ako na nga yung inabala nila at pinagod tapos hindi man lang nila ako hinatid pabalik. Sige ganyan naman sila, mabait lang kapag kailangan ako.

"Hindi ako natulog miss, nakasama lang kasi sa paglanding ng eroplano yung talukap ng mata ko" biro ko sa kanya at nag smile. Tumayo na agad ako at kinuha na yung mga gamit ko. Napangisi na lang din ako. Kailan pa ako naging joker?

Paalis na sana ako pero iniabot niya sa akin yung notebook niya at ballpen.

"Dylan Ezekiel Gonzales, right? OMG! Yung youtube sensation at sikat sa social media na singer kaharap ko ngayon. Pwede pong pa-autograph?" Grabe, ngayon niya lang ako nakilala?

"Sure!" Sabi ko at pinirmahan yung hawak niya tsaka ako umalis sa harap niya.

"Ang cute niya naman!!" Narinig ko pang sabi niya na may halong kilig pero nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.

Napaka wrong timing naman kasi na mag shoot ng music video sa ibang bansa. Tapos nagkaroon pa ng problema kasi nagkasakit yung female lead. Hahanap pa tuloy ako ng kapalit niya.

Pati ba naman yung kasama kong assistant nawala? Grabe talaga. Bigla na lang nag disappear. Wala tuloy sa aking mag pipicture ng airport OOTD ko na ipopost sa instagram. Naghihintay pa naman yung mga followers ko ng update.

Isinuot ko na yung black shades ko at cap. Ang Pilipinas talaga parang isang malaking oven, napakainit. Tama nga sila na tatlo ang season dito sa atin. Hot, hotter at hottest. Haha. Syempre, joke lang yun.

Ang totoo kasi niyan, ako pala yung hottest. Ang gustong kumontra, ipapasalvage ko agad.

Sa sobrang kakaisip ko, 'di ko namalayan na nag-vibrate pala 'yung cellphone ko. Agad ko naman yun na kinuha at tiningnan ang screen kung sino 'yung nagtext.

Yung MV Director lang pala. Akala ko yung girlfriend ko.

Teka... Wala pala akong girlfriend! Ewan ko ba. Gwapo naman ako sabi nila, magaling kumanta, malakas daw ang appeal at marami namang kinikilig kapag nandiyan ako. Pero ba't wala akong jowa?

Marunong din akong magpacute. Hindi ko lang kasi sila type kaya wala pa akong nagugustuhan na babae. Maliban na lang kung makakita ako ng isang diyosa.

Di ko pa pala binabasa yung text message. Ayan kasi kakagirlfriend na hindi naman nag-eexist.

Complicated Goddess [COMPLETED]Where stories live. Discover now