Chapter 8: Louie

3.8K 143 11
                                    

Terrence Louie's Point Of View

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Terrence Louie's Point Of View

Tumakbo na ako pabalik kay Zandy. Mukhang naiilang pa siya sa akin. Kanina pa nga niya ako iniiwasan eh.

Kanina naman sa classroom, napaka-awkward. Nahuhuli niya na tumitingin ako sa kanya. Pero okay lang yun, di naman ako nahihiya na nahuli niya ako. At least alam kong nakatingin din siya sakin diba?

Hindi ko naman talaga mapigilan na hindi siya tingnan eh. I miss her so much. Kung alam niya lang na gustong gusto ko siyang tabihan kanina dahil wala siyang katabi. Kung hindi lang dahil sa threat ni Corinne, eh di sana, masaya pa kaming dalawa ngayon.

Ayoko kasing may mangyaring masama sa kanya kaya lumalayo na muna ako. Hindi ko 'to kagustuhan pero kailangan kong gawin para sa kanya.

Hay. Nakatakas nga lang ako kanila Corinne eh. Tinaymingan ko kanina sa cafeteria nung hindi siya nakatingin sakin. I'm sure, hinahanap na niya ako ngayon.

Medyo malayo naman ang cafeteria dito sa building namin. Tinakbo ko pa yun makarating lang dito. Buti na lang sanay ako sa takbuhan kaya di naman masyadong nakakapagod.

Sana hindi niya ako makita na kasama si Zandy. Baka kung ano pang gawin nun sa kanya. Ako na naman niyan ang makokonsensiya. Kasalanan ko na naman kung nagkataon.

Alam kong may chance pa ako sa kanya. I know I'm hopeless, but I'm still hoping. Matatakasan ko rin ang delubyo na galing kay Corinne. Napakasama niya talaga.

"Louie/Zandy" sabay naming sabi.

Mas lalong naging awkward ang atmosphere. Tahimik na naman kami. Yung parang biglang may dumaan na ihip ng hangin sa pagitan naming dalawa.

Hinawakan ko ang kamay niya para hilain siya kung saan na hindi kami makikita. Mahirap na, baka may magsumbong kay Corinne at mapahamak pa si Zandy.

Pero hindi pa nga kami nakaka alis, binawi niya na agad yung kamay niya mula sa pagkakahawak ko.

"Louie, what do you think you're doing?"

Hindi ko na lang siya sinagot.

"Just follow me"

Naglakad na ako at tiningnan niya muna ako at pagkatapos ng ilang segundo, sumunod naman siya. Nakarating kami sa pinakadulo ng building. Yung locker room namin. Okay na siguro yun. Mga athlete lang naman kasi pwedeng dumaan sa dinaanan namin.

Tsaka bawal pumunta ang hindi authorized na estudyante dito. Lalo na sa may part ng hagdan. Hindi ko rin alam kung bakit. Hindi pa ako roon nakakapunta.

"Louie tama ba 'tong ginagawa mo? Alam mo bang pwede akong ma-detention dahil dito? Nakita mo nang bawal, pinipilit mo parin. Ganyan ka naman eh."

Pagpasok namin, hinawakan ko yung magkabilang balikat niya at pinaupo dun sa bench. Inilock ko na rin yung pinto nung locker room ng mga athlete.

Complicated Goddess [COMPLETED]Where stories live. Discover now