Chapter 52: Louie

970 32 2
                                    

Terrence Louie's Point Of View

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Terrence Louie's Point Of View

"Congratulations Louie! What more can I say? You're really such a legendary athlete! I told you before to break a leg and you nailed it once again!" Salubong saakin ni coach Paul pagkababa ko ng stage para kunin 'yung gold medal.

"Thank you coach. It's a pleasure to bring honor to my school... Again"

Nagpicture taking pagkatapos ng competition ko. Sobrang higpit ng labanan namin nung nag first runner up sa high jump at akala ko nga di na ko mananalo pero heto, nakasuot na sa leeg ko 'yung gold medal na pinaghirapan ko. Hindi ko nga iniexpect na matatalo ko yung pinakamataas kong record na 173 cm.

Napatingin ako sa relo ko "shit! late na ko" inihagis ko yung bag ko kay coach at tumakbo papunta sa school van. "Late saan? Walang pasok ngayon!" Nagtaka sila sa sinabi ko at narinig kong isinigaw pa nila coach ang pangalan ko pero di ko na pinansin at nagpahatid na rin sa school.

Tumakbo ako sa locker room namin para magbihis ng damit at dumeretso sa auditorium. Buti na lang at nakaabot ako. Sayang naman ng pinag practice naming apat kung hindi ako pupunta.

"Tss. I thought you'll ditch us" mahinang sabi ni Kyle na nakasandal sa dingding sa backstage. Nginisian ko na lang siya at pumunta na sa stage.

Inaamin kong madalas magkaaway away kaming apat lalo na kaming tatlo ni Kyle at Dylan pero nag control na lang kami at sinasaway naman kami ni Earl. Sa totoo lang, para talaga kay Katsumi ang banda na ginawa namin kaya pinagtiisan talaga.

Natapos ang performance namin. Nakakatuwa lang dahil mukhang nag eenjoy naman sila lalo na si Katsumi. Kahit natatakpan pa siya ng ibang mga babae, ayun nakikita ko parin, yun nga lang ay nakatingin siya sa ibang direksiyon---kung nasaan si Kyle.

Kailangan ko na ba talagang magparaya?

Dahil sa katititig ko sa magandang mukha ni Katsumi, hindi ko namalayan na may nag aaway na pala sa harapan ko. Hindi ko matukoy kung sino yung babaeng nakatalikod saakin dahil parang transferee ang hitsura niya.

"Louie papicture!!"

"Congratulations, Terrence!"

"Sabi na nga ba mananalo ka. Iiiih ang galing galing mo talaga!"

"Excuse me lang ha, ayaw niya nga magpapicture oo? Umuwi na kayo. Letse uuwi kayo o aapiran ko mga pisngi niyo?"

Umalis naman na yung mga babae kanina na nakikipagsiksikan sa akin.

"Hi Louie!" Kung kanina mukhang cherry bomb na yung mukha niya sa pula dahil sa galit, ngayong nag pink na yung cheeks niya. Humarap siya saakin at hindi ko talaga siya kilala. Pero sa way ng pagsalita niya kanina parang kilala ko siya eh. Kumunot na lang ang noo ko. Sino ba 'to?

Complicated Goddess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon