Chapter 21: Katsumi

2.4K 98 2
                                    

Katsumi's Point Of View

Oops! Această imagine nu respectă Ghidul de Conținut. Pentru a continua publicarea, te rugăm să înlături imaginea sau să încarci o altă imagine.

Katsumi's Point Of View

Pagkatapos niya akong halikan, iniwan niya na ako nang nakatulala.

So, tinulungan niya nga ako? Paano kaya niya nalaman na may humahabol sa akin? Para naman siyang may CCTV sa katawan kaya alam niya ang lahat ng nangyayari.

Sigurado ako na student yun dito. Pero sino ba siya? Napahawak tuloy ako sa labi ko. Nakakaloka naman!!. Pwede naman na tinakpan niya na lang ng kamay niya yung bibig ko para di ako makatili pero bakit niya pa ako hinalikan?

Syempre naman kasi nakakatili yun. Bigla ba naman akong hilain sa loob ng room tapos akala ko siya yung teacher.

Malay ko naman. Madilim kasi sa loob noh.

Hindi parin ako nakakaalis dito sa locker room. Nabigla na lang ako dahil sa narinig kong yapak papunta sa akin. Ihahampas ko na sana yung bag ko sa kanya pero bigla niyang binuksan yung ilaw.

Natahimik ako ng ilang segundo pagkatapos ko siyang makita. Si Louie. Naka varsity jacket na blue at may towel sa leeg niya. Ang hot niya talagang tingnan pag wet look at kagagaling lang sa practice. Ang bango niya parin kahit pawis na pawis na siya.

Teka lang, break na pala kami. Oo tama. Stop fantasizing, Katsumi!

Akala ko ba umuwi na yung mga athlete? Bakit pa siya nandito? Si Corinne kaya hinihintay niya? Teka, si Louie ba yung humalik sa akin?

Hindi man lang kasi siya nabigla na nandun ako kaya sigurado ako na alam niya na nandun talaga ako.

Na-mute ako. Gosh, kahit isang word walang lumalabas sa bibig ko.

"Zandy gabi na. Baka kung mapaano ka pa dito. Hatid na kita sa inyo."

Napatingin ako sa lips niya habang binibigkas niya ang mga words na yun. Naalala ko tuloy yung kiss na yun.

"NOOO!!!~" Bwisit naman oh. Bigla na lang kasing nagflash yung about sa kiss na yun. Nahalata ko naman na nabigla siya sa pagsigaw ko. Hindi ko naman yun sinasadya eh. Nadala lang ako.

"No need na. Ano kasi... si kuya Dexter ano... oo, tama!  susunduin niya ako hahaha. Sige, bye!" sabi ko sa kanya habang kumakaway.

Concerned ba siya sa akin?

Tumalikod na ako at lumabas sa pinto. Napakagat na lang ako ng labi. Bakit ang awkward parin namin sa isa't isa?

Maglalakad na sana ako pero napatigil ako dahil sa kanya.

"Zandy."

Complicated Goddess [COMPLETED]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum