Chapter 34: Earl

2.1K 88 8
                                    

Earl Joshua's Point Of View

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Earl Joshua's Point Of View

"Earl Joshuaaa, bilisan mo nang kumain diyan! Male-late ka na oh"

"Oo teka lang ate, mag to-toothbrush pa ako!!"

Kinuha ko na yung toothpaste sa cabinet na nasa ibabaw ng lababo ng CR sa kwarto ko. Sa pagmamadali kong ilagay yung toothpaste, ayun, nahulog sa sink ng lababo. Pati ba naman toothpaste, sa iba na-fall?

Ayun, binilisan ko na lang yung pag-aayos ko at lumabas na ng bahay, 

"Ate naman eh ginawa mo pa akong bata? Oo na, sige bye"

"Good luck, baby bro!"

Grabe naman kasi siya. Lagyan ba naman ng piso sa ilalim ng sapatos ko para raw manalo ako sa contest. Ang isip bata niya talaga.

Sana magka-lovelife na siya. Naiwanan lang ng boyfriend, naging ganyan na siya. Parang si besprend lang.

Yung nanliligaw kasi sa ate ko, lagi niyang tinatarayan. Kawawa naman tuloy yun kahit hindi ko kilala kung sino. 

Hindi ba alam nung manliligaw na yun na para siyang nagwawalis habang nakabukas ang electric fan? Lahat ng efforts niya, nasasayang.

Dumeretso na ako sa library dahil doon gaganapin yung contest. Preliminary round pa lang naman. Umupo na ako at tiningnan kung sino ang magiging ka-pair ko. Parang di naman kasi pupunta yung Kyle Zedrick na yun eh. Laging nag-aabsent.

By pair pa lang kasi ngayon tapos ang last round, individual na. Doon na malalaman kung sino ang iko-contest sa ibang school. 

Laking gulat ko na lang dahil may tumabi sa akin na lalaki na medyo matangkad sa akin, maputi, at naka half smile habang tinitingnan yung cellphone niya kaya kitang kita ang dimples niya. Sa mukha niya, halata mong may ka-chat siya at alam kong si Caz yun.

Tumabi sa akin yung boyfriend ng babaeng gusto ko. Kung hindi ko lang siya kapartner at gusto kong manalo, eh di malamang, hindi ako magtitimpi ngayon.

Teka lang naman, bakit siya ba yung naging kapartner ko? Why of all people? Parang napilitan pa ngang pumunta rito at inaantok pa. Nakahalumbaba siya at nakasaksak yung headphone niya.

Nagbasa na lang ulit ako ng libro. Hindi ba siya nagreview? Paano na lang yung team namin? Tsk! Kasalanan niya kapag natalo kami.

Kahit na naririnig ko lagi yung rumor na laging siya ang top ng klase bago pa ako magtansfer dito, hindi naman ako pwedeng maniwala agad diba? Tingnan na lang natin ngayon kung sinong mas matalino.

Complicated Goddess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon