Chapter 16: Katsumi

3.2K 123 24
                                    

Katsumi's Point Of View

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Katsumi's Point Of View

Umupo na lang ako sa katabi ni Kyle Zedrick at saglit na tumingin sa left side ko. Hindi ako nagkakamali, siya nga yun. Tsk!

Napa buntong hininga na lamang ako. Nagkasalubong ang tingin naming dalawa at iniiwas ko lang din yung akin. Nakakahiya kaya alam niyo yun?

Well, syempre hindi niyo alam 'yung feeling kasi hindi naman kayo ako pero talaga, Argh!!. Sana naman di niya ikuwento sa kahit na kanino man na nakita niya ako dati na umiiyak.

Pagkatapos nung nangyari sa park, dumeretso akong umuwi sa bahay. Nagkataon na nanonood noon ng tv si kuya.

Akala ko namamalikmata lang ako or what dahil nakita ko 'yung lalaking pakialamerong nilalang na yun na kumakanta sa isang palabas. Yun yung replay ng concert sa plaza. Akala ko nga kamukha niya lang eh.

Masama ang pakiramdam ko nun kaya di ko siya masyadong pinansin. Kinabukasan, naitanong ko kay kuya Dexter kung sino yung pinapanood niya. Aba, tinawanan lang ako? Kesyo out of date daw ba ako dahil sa himdi ko siya kilala. Eh, malay ko naman talaga kung sino yun.

Pero aaminin ko na, malakas ang charisma niya at talagang powerful yung boses niya kaya ayun, dahil na rin kay kuya, pinapakinggan ko na yung mga kanta niya. Tapos malay ko bang makikita ko pa siya ulit at mukhang kilala pa nitong blank face na katabi ko?

"Hmm guys, there will be a faculty meeting kaya walang next class. Gawin niyo muna raw gusto niyong gawin. Wag lang daw gumawa ng gulo"

Napatingin ako kay Earl na kasalukuyang nasa pintuan at binasa yung sulat na iniabot sa kanya nung next teacher sana namin. Napakastudent leader ng aura niya.

Buti naman kung ganun. Nagpaalam ako sa kanya na lalabas ako at pupunta lang sa restroom. Wala lang, mag-aayos ng sarili, kahit hindi naman ako sira.

Gusto ko lang umiwas dun sa dalawang katabi ko. Seriously? Ako ba yun yung kanina na pumayag sa gustong gawin nung Zedrick na yun? This is so not me.

Ano na lang ang sasabibin ni Louie? Teka, aba malay ko naman kung may pakialam pa siya sa akin. Bakit ko pa yun masyadong didibdibin diba? Tama. Wag na lang akong magpapa-apekto.

Pero tama ba na pumayag ako sa kanya? Sabagay, gusto ko rin namang malaman ang totoo eh. At least, hindi na ko mababagabag nang ganito.

Naghugas lang ako ng kamay at umalis na rin. Naglalakad na ako pabalik ng classroom pero nakita ko si Louie sa gilid ng pinto at nakasandal sa dingding na para bang may inaabangan. Ako ba yung hinihintay niya? Nah, assuming lang siguro ako. Syempre hindi ako yun noh!. Ayan na kasi si Corinne, umeksena na. Lumabas sa classroom at parang linta kung mag cling kay Louie. Ang sakit lang sa mata.

Sasalubungin ko ba sila or iiwas na lang? Eh ano naman kung makasalubong ko sila? Magbabago ba 'yung fact na ipinagpalit niya ako? I guess not.

Dumeretso parin akong naglakad with matching straight face and flip hair. Bakit ako yuyuko kung mas maganda naman ako sa kasama niya diba?

Complicated Goddess [COMPLETED]Where stories live. Discover now