Chapter 23: Katsumi

2.4K 95 0
                                    

Katsumi's Point Of View

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

Katsumi's Point Of View

Hawak-hawak ko na yung mop ngayon. Sa school gymnasium kasi kami ni Kyle naka-assign na maglinis. Yun yung punishment namin, remember?

Grabe namang school na 'to, ang strict sa mga late comers.

Nandito rin pala si Dylan. Na-late rin daw siya eh. May naalala na naman tuloy ako. Una si Louie, sunod si kuya Riley, tapos si Kyle and now, Dylan? Sinong sunod? Si Bestfriend?

Speaking of, sana siya ang manalo sa preliminary round next next week. I heard na ka-partner niya raw si Kyle. Sus lagi nga yang nagka-cutting class eh. Saan naman kaya siya pumupunta pag school hours? Hay naku, good luck na lang kay Earl. Buti pa yun, nagrereview.

Nagsimula na akong mag-mop. Yung dalawa naman, ewan kung anong ginagawa nila. Hindi man lang ako tulungan dito. Magbestfriends nga sila. Ang helpful naman. Bwisit!

Lumapit ako para tingnan kung anong ginagawa nila. Aba't nakuha pang maglaro habang ako, naglilinis? Grabe kami pa kasi pinalinis marami namang janitor. Psh!

"Bato bato pik! Bato bato pik!" Ano sila, gradeschool? Kindergarten?

"Oh paano ba yan Zed, nakailang ulit na tayo pero wala ka paring panalo?"

"Hey Zeki, you're cheating aren't you? Tss."

"Ako? Si Dylan Ezekiel Gonzales? Zed naman besprend, hindi pwedeng pagsamahin ang word na cheating at ang pangalan ko in one sentence. Masuwerte lang kasi talaga ako kaya tanggapin mo na lang yung katotohanan" sabi ni Dylan habang inaakbayan si Kyle.

"Lucky your ass, Zeki. Whatever you say, I'm still handsome. Give me that!" Inagaw niya na yung mop at inalis kay Dylan yung akbay at seryosong nagmop sa floor.

Wow. Is this for real? Si Kyle, naglilinis? Kailangan ko ng documentation. Kinuha ko yung phone ko at pinicturan siya. Pang-blackmail lang.

"Teka lang, Dylan, bakit ba kayo nagpustahan?"

"Iisa na lang mop eh" Okay? Para yun lang?

"Eh bakit lagi kang nananalo? Nagdaya ka talaga noh?"

"Pati ba naman ikaw? Di mo ba alam? Hindi ako si Dylan kung hindi ako ang master of betting. Di mo ba ako kakampihan, leading lady ko?" Sabi niya na nagpa-cute pa sa harap ko. Pigilan niyo ko, iuuwi ko siya sa bahay. Bakit kasi ang cute niya?

"Sus. Pero ganun ba si Kyle? Laging parang seryoso?" Tanong ko sa kanya. Senenyasan naman niya ako na lumapit sa kanya kaya sumunod naman ako.

Complicated Goddess [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora